Pumunta na lahat ng mga 3rd year students sa backstage.
Matapos magperform ng dalawang pair of 3rd year students sila Rus at Ven na ang sunod.
Sa di kalauyan. Nakita ni Ven sila Seth at Stacey.
Inaayos ni Stacey ang buhok ni Seth pero tinabig ito ni Seth. Maya maya ay bigla silang nagtawanan dahil sa sinabi ni Stacey.
Mukang close na close na sila ah. Sabi ni Ven sa isip niya. Napayukom ang kamay niya.
At biglang siyang nakaramdam ng lungkot dahil hindi sya ang dahilan kung bakit ngumingiti si Seth.
Hindi lang pala ako ang babaeng kaya syang pangitiin. Sabagay nandyan nga si Ile na mas mahalaga pa kaysa sakin eh. Sabi niya sa isip niya.
Gusto na naman niyang maiyak. Gustong gusto na niyang lumabas sa lugar na yun para umiyak nalang pero hindi pede.
Tumalikod nalang sya. "Ven..." pagtawag ni Rus.
Tumingin si Ven kay Rus. "Goodluck satin. Galingan mo." sabi ni Rus kay Ven habang nakangiti at nakikita ang malalim niyang dimples.
Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Ven. I mean, sino bang hindi mahahawang ngumiti sa dimple na yan di ba?
Lumabas na sa stage ang dalawa.
Habang kumakanta hindi maiwasan ni Ven namaramdaman ang sakit ng gabing iyon.
Gusto niyang maiyak dahil bawat salita sa kantang iyon ay katumbas ng sakit na nararamdaman niya.
At hindi pa nakatulong na nasa backstage lang ang taong dahilan kung bakit niya naisulat ang kantang iyon.
I didn't realize that the rain
had pooled around my feet
The tears that I am holding in
are welling in my eyes
I cry
Nanlaki ng bahagya ang mata ni Ven ng makita niya si Seth na nasa harap di kalayuan sa stage at nakatingin sa kanya.
Hindi ito nakatulong dahil lalo niyang naramdaman ang sakit sa dibdib niya.
Pinikit niya ang mata niya pero muka parin ni Seth ang nakikita niya.
Inipon niya ang lahat ng lakas niya para hindi maiyak.
You were the umbrella above my head
The nights when the cold rain fell on my shoulders
Having you by my side was a habit
I cant be without you
alone in the rain
Nakatingin si Ven habang kinakanta ang mga salitang iyon kay Seth.
Alam ni Ven na alam ni Seth na para sa kanya ang kantang iyon. Kahit pa walang pinapakita na emosyon si Seth.
I can't be with you
Tumingin si Rus kay Ven habang kinakanta iyon. Aware sya kung saan nakatingin si Ven.
Tumingin sa kanya si Ven. Nagulat sya dahil may nangingilid na naluha sa mga mata niya.
I need you back in my life
Napapikit si Ven habang kinakanta iyon at tumulo na ang luha sa isang mata niya.
There's no point in holding it in. Nasasaktan ako. Hindi ko na din kayang pigilan pa. Sabi ni Ven sa isip niya.
Nang matapos na sila. Nagbow agad si Ven at tumalikod.
Pagdating sa backstage saka niya pinunasan ang luha niya na kumawala sa mata niya. Hoping na sana walang nakapansin.
"Ven, okay ka lang?" tanong ni Rus.
Tumango lang si Ven.
"Sus, if i know any better ginawa lang niya yan para magkaroon ng great performance at mataas na grade." pabulong na sabi ng babae sa likod nila Ven at Rus.
YOU ARE READING
The Playlist
FanfictionBangtan Arts University ay school for aspiring artists na gustong maging sikat na performer at idol. At dito nag aaral sila Haven, Seth at Rusell na pangarap maging isa sa well-known artists. Hindi lang susubukin ang galing nila bilang artists kund...
