"Sige na kuya." pag pilit ni Jace sa kuya niya.
Currently silang gumagawa ng kanta at pinipilit ni Jace si Rus na kumanta pero ayaw ni Rus dahil hindi sya marunong kumanta. Pag ra-rap lang ang kaya niyang gawin.
"Hindi ko nga kaya." walang ganang sabi ni Rus.
"Madali lang yan kuya. Sabayan mo lang ako." nakangiting sabi ni Jace.
Napabuntong hininga si Rus saka tumango.
Tumugtog na ang background music at bumukas ang bibig ni Rus pero walang lumabas na boses.
Napailang si Jace at inihinto ang kanta. "Kuya, ang goal ay kakanta ka ng may boses hindi yung nakanganga ka lang." natatawang sabi ni Jace.
"Hindi nga kasi ako..." hindi naituloy ni Rus ang sasabihin niya dahil sa kapatid niya.
"Kuya, now is the time to try something new. Promise magiging maganda to kung kakanta ka. Tama na muna yung pag ra-rap." pangungumbinsi ni Jace sa kapatid niya.
"Okay." tipid na sagot niya.
Tumugtog na ulit ang background music at nagsimula ng kumanta si Rus habang nakatingin kay Jace.
Si Jace naman ay sinasabayan ang kuya niyang kumanta pero walang boses na lumalabas. Tanging bibig niya lang ang bumubukas habang binibigkas ang mga salita at kumukumpas ang kamay para malaman ni Rus kung mababa o mataas ang tonong kakantahin niya.
Nang matapos na nila. Ay pinakinggan na nila ang finish product.
As usual maganda ang pagkakakanta ni Jace given na forte naman talaga niya ang pag kanta. Nang matapos na ang 1st verse at chorus na part ni Jace sa kanta. Oras na para sa 2nd verse kung saan si Rus ang kumanta.
Napakagat ng labi si Rus dahil alam niyang hindi maganda ang boses niya.
Oh, our lives don't collide, I'm aware of this
We've got differences and impulses and your obsession with it
The little things you like stick, now like aerosol
Don't give a fuck, not giving up, I still want it all
Nanlaki ang mata ni Rus ng marinig niya ang boses niya.
Hininto ni Rus ang kanta. "Boses ko ba yun?" tanong niya kay Jace.
Ngumiti ng malaki si Jace. "Oo kuya. Sabi ko sayo kaya mo eh."
Ngumiti din ng malaki si Rus at ginulo ang buhok ni Jace. Pinatugtog muli nila ang kanta hanggang sa matapos. Dagdag na naman ito sa mga nagawang kanta nilang magkapatid.
*D-DAY*
"Kuya..." sabi ni Jace habang nanlalamig ang mga kamay niya at parang umiikot ng tyan niya.
Ngumiti si Rus sa kapatid niya. "Kaya mo yan. May tiwala ako sa talento mo. Wag kang kabahan. Nandun lang kami sa front seat." pagpapalakas ng loob na sabi ni Rus sa kapatid niya habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ng kapatid niya.
"Jacey, oh my baby Jacey. Naku, binata ka na talaga. Ang pogi at ang cute mo sa suot mo. Ay..." biglang niyakap ni Ven si Jace.
Niyakap din sya ni Jace pabalik and squeeze her a little bit bago niya bitawan si Ven. "Di na ko baby ate Ven." paalala niya kay Ven habang tumatawa.
"Alam ko. Pero alam kong kayang kaya mo yan. Sabi ni kuya Ja perfect mo na daw yung steps kaya di ka na magkakamali. Basta wag na masyadong mag isip and just have fun okay?" sabi ni Ven kay Jace.
Tumango si Jace habang nakangiti ng malaki. Gusto niyang maging proud ang mga taong naniniwala sa kanya.
Napakunot ang noo ni Jace."Si ate Ile pala? Wala ba sya dito? Hindi ko pa sya nakikita." sunod sunod na tanong ni Jace.
YOU ARE READING
The Playlist
FanfictionBangtan Arts University ay school for aspiring artists na gustong maging sikat na performer at idol. At dito nag aaral sila Haven, Seth at Rusell na pangarap maging isa sa well-known artists. Hindi lang susubukin ang galing nila bilang artists kund...
