If I Ain't Got You

403 10 2
                                    

Some people live for the fortune

Some people live just for the fame

Some people live for the power

Some people live just to play the game

* * *

Sa bawat daang tinatahak natin sa buhay, hindi mawawala ang may pa-zigzag o pa-kurba sapagkat kung lagi na lang tuwid at walang sagabal sa bawat daang dinadaan natin, hindi natin marerecognize ang kahinaan natin.

Mga taong nabubuhay at binigyang pagkakataon na mabuhay sa mundo na ipinagkaloob Niya. Mga taong masaya o sumasaya kapag nakukuha ang gusto, especially when it comes to material things.

Halos lahat na ng tao ay parang hindi na kayang mabuhay kung wala ang yaman, kapangyarihan, salapi at ang iba ay nabubuhay para lang makipaglaro sa daloy ng tadhana. Habang buhay ka na lang bang makikipaglaro?

Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang, pag-aralan nating mabuhay na wala ang mga 'yan? Pwede rin bang bitawan na muna natin ang mga iyan at alalahanin pa ang ibang bagay na mas mahalaga pa sa mga 'yan?

Bakit hindi muna tayo magpasalamat sa bumuo at lumikha ng lahat? Ang bumuo sa daan na tinatahak mo? Ang humubog sa katapangan mo para maharap ang mga sagabal sa mga daan na nilalakaran mo?

Siguro...

Kapag nabigyan na natin Siya ng walang humpay na pasasalamat at halaga,

malay mo...

Malay ko....

Iyon na pala ang tunay na saya at galak.

* * *

Some people think that the physical things

Define what's within

And I've been there before

But that life's a bore

So full of the superficial

* * *

Akala nila'y kapag nakuha na nila ang lahat, kapag napasakanila na ang mga gusto nila'y, soyang-soya na. Iyong tipong, pwede ka nang matulog ng walang iniisip, pero hindi. Dahil hindi matatapatan o matutumbasan ng isang libong nagkikinangang ginto, ng mga naggagaraang kotse at naglalakihang bahay ang pagmamahal Niya.

Saan ka ngayon pupuwesto? Sa mga kinakalawang at gumuguho o sa walang hanggang pagmamahal Niya na hindi kinakalawang at kailanma'y, hinding-hindi mo mababakasan ng anumang pagguho?

* * *

Some people want it all

But I don't want nothing at all

If I ain't got You, baby

If I ain't got You, baby

Some people want diamond rings

Some just want everything

But everything means nothing

If I ain't got You

* * *

"Wala na 'kong ibang hihilingin pa kundi ikaw."

Hindi ba kapag may narinig kang may nagsabi niyan sa'yo, mata-touch ka? Eh paano kung ikaw ang nagbitaw ng linyang 'yan sa isang taong mahalaga sa'yo at ang matatanggap mong sagot sa kaniya ay 'di kanais-nais? 'di ba ang sakit? Parang gumuho ang lahat sa'yo.

Ngunit nasubukan mo na bang sabihin 'yan sa Kaniya?

No rejections.

No pains.

No regrets.

* * *

Some people search for a fountain

That promises forever young

Some people need three dozen roses

And that's the only way to prove you love them

* * *

Kailangan mo pa bang humanap ng wishing well at bumato ng coin para lang humiling? Kailangan mo pa ba ng genie o fairy para matupad ang gustong makamit? Kailangan mo pa ba ng mga bagay-bagay para mapatunayan nila sa'yo kung gaano ka nila kamahal o kailangan pa nilang humanap ng mga bagay na makakapagpatunay na mahal mo sila?

Sa Kaniya, hindi mo na kelangan ng wishing well para humiling. Hindi rin Siya genie para tuparin ang mga bagay na inaasam mo at lalong hindi na Niya kailangang patunayan sa'yo kung gaano ka Niya kamahal. Mas lalong hindi mo na ring kailangan na mag-alay ng anu pa man para mapatunayang mahal mo Siya. Isang simpleng pasasalamat at pagpupugay sa Kaniya ay sapat na.

Magdasal ka lang at magpasalamat sa Kaniya ng mataimtim ay Kaniya ka nang diringgin at bago pa man mabuo ang lahat ng kaniyang nilikha, bago ka pa man isilang ay inalay na Niya ang pagmamahal Niya sa'yo,

dahil...

Siya ang nag-iisang Pag-ibig.

* * *

Hand me the world on a silver platter

And what good would it be

With no one to share

With no one who truly cares for me

* * *

Alam nating minsan sa buhay natin ay naranasan na natin na parang walang nagmamahal at walang may pakialam satin, pero nagkamali tayo dahil kailanma'y hindi tayo nawala sa puso Niya. Lagi Siyang nasa tabi natin, hindi na nga lang natin masyadong napapansin dulot ng sobrang kasiyahan.

* * *

So nothing in this whole wide world don't mean a thing, if I ain't got You with me baby.

* * *

Ang dala na saya ng mga materyal na bagay sa mundo ay panandalian lang. Hindi 'yan magtatagal, nasisira ang mga 'yan, nabubulok, kinakain ng kalawang at gumuguho.

Hindi katulad ng saya at galak na binibigay Niya, walang humpay, hindi mo maipapares sa anumang bagay o kung kanino pa man.

Hindi matutumbasan ng mga nagkikinangang diyamante, pilak at ginto ang pagmamahal Niya. Dahil, Siya ang Pag-ibig.

Bakit 'di mo subukang lumapit sa Kaniya? Huwag mong isiping wala nang pag-asa dahil gamay Niya ang bawat galaw mo. Huwag mong tapusin ang buhay mo sa pansamantalang problema, 'wag kang papatalo sa mga baku-bakong daan mo. Lumapit ka lang sa Kaniya, madidinig ka Niya.

Hindi ka Niya huhusgahan.

Wala kang maririnig na kahit anumang sumbat mula sa Kaniya.

Hindi katulad ng tao, huhusgahan ka nila sa pamamagitan ng mga nakikita at naririnig nila kahit hindi nila alam ang mga natatagong kwento sa likod nito. Babatuhin ka nila hangga't gusto nila, hanggang sa mabugbog ka. Wala naman tayong magagawa dahil likas na sa tao 'yan. Likas na sa atin 'yan.

Ngunit kung sa Kaniya ka lumapit, wala kang maririnig na anuman sa Kaniya. Ikaw pa mismo ang papakinggan Niya. :)

--------

MY ONE SHOT STORIESKde žijí příběhy. Začni objevovat