16-Start of Something New

902 69 10
                                    

Zach's PoV

"What?" Napabangon ako sa sinabi niya.

"Tapos ngayon biglang babangon peste ka rin ehh 😑"

"Ulitin mo sinabi mo Lala"

"Ayoko"

"Did I hear it right?"

"Ano ba narinig mo ha?"

"That you like me as well?"

"Narinig mo naman pala eh!"

"Totoo ba?"

"Ngayon ikaw naman ayaw maniwala?? May patutunguhan usapang to Zach!"

"Ehh kasi naman! Tsk wag na nga!"

"Wag mo ko tatalikuran Zach Denver Filoteo tatamaan ka saken!"

"Bakit na naman?!"

"Wala ka man lang sasabihin?!"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?!"

"Malay ko sayo! Bakit ba naman kasi napunta usapan sa like like na yan ehh ang sabi ko lang naman ipakilala mo saken sarili mo!"

I took a deep breath

"Look Lala... all of this is new to me. Hindi ko din naiintindihan ang sarili ko. Never did I like anyone the way I do with you"

She looked down biting her lips

"I never trusted anyone. Never did I even think of liking someone like you. Masaya na ko na mag-isa noon, but you came. Binago mo lahat ng takbo sa buhay ko. Yung dating tahimik na paligid ko pinaingay mo. Yung dating hindi napapansin ng tao, napapansin dahil sayo. Yung dating mag-isang ako... sinamahan mo at ginawa mong makulay ang buhay ko Lala"

Lala's PoV

Bushak!! Nah!!! Ginusto mo to Lala!! Ayan nagsalita ng pagkahaba haba!! Ako naman ngayon yung natulala!!

"Now, if you want me to say something, isa lang naman ang masasabi ko"

Gusto kong itanong kung ano yon pero naubos yata ang boses ko sa kilig.

"Masaya akong dumating ka sa buhay ko Lala. At mas lalong masaya ako dahil pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa"

Pwedeng magmura?! Kyaaahh!!!

"Akala ko hindi na ko magkakaroon ng tiwala sa kahit na sino. Akala ko noon hindi na ko magkakaroon ng totoong kaibigan. Akala ko wala nang pag-asa buhay ko, pero nung dumating ka Lala binago mo yon. Binago mo kung anong tingin ko sa buhay"

"Weh?"

"Anong weh?"

"Hindi naman kasi halata sayo lahat ng sinasabi mo"

"I'm not the showy type of person Lala. Never did I even smile after everything I experienced in my life. Pero kahit hindi mo nakikita o hindi ko sayo naipapakita... nagagawa mo kong mapasaya Lala"

Ano Lala tanong pa?! Bushak talaga!

"Lala..." he stood up and walked towards me then held ny hands

Nanginginig ako pakshet!

"Hindi pa ako nagiging ako pero unti unti ako bumabalik sa dati... salamat sayo"

"Nagiging ikaw?"

"Hindi naman ako tahimik na tao dati Lala, but things happened and I just found it hard to talk or give my opinions on everything. I got tired explaining when no one is even listening"

"Zach..."

"Sana... sana Lala, mahintay mo ko. Sana kung ano man tong nararamdaman natin, wag mong bibitawan. Aaminin ko may takot ako. Pero handa akong sumugal para sayo Lala. Naging handa ako dahil sayo"

Inilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan yun.

AJCKCKFNDKEK KUNG MAKIKITA LANG SIGURO LOOB LOOB KO NAKAKAHIYA. NAGSASAYAWAN NA SA KILIG FOTAENA MAMA!!!

You'll Be Safe HereWhere stories live. Discover now