“S-Sage, d-dito yung office.” Tawag ko sa kanya nang mapansin na patungo siya papasok ng locker room nila.

“You don’t need to do it.” Malamig na sabi niya sa akin.

“Papagalitan ako ni Coach kapag hindi ko siya sinunod.” He rolled his eyes again and walked towards the office.

Huminto si Sage sa harapan ng office. Nagmamadali ko namang binuksan ang pinto para sa kanya. Umirap siya ulit bago pumasok sa loob. Hindi ba siya nangangalay sa pag-irap na ginagawa niya?

“Umupo ka na lang doon.” Tinuro ko ang upuan malapit sa table matapos isinara ang pinto ng office. Lumapit ako sa cabinet para kunin ang first aid kit na tinatago ni Coach. Nang tumalikod ako ay naabutan ko si Sage na nakaupo na sa upuan na tinuro ko. Gusto kong mapataas ang kilay sa kanya. I didn’t expect him to follow what I said. I feel surprisingly… pleased.

“Masakit… ba yung ulo mo?” Nag-aalinlangan na tanong ko.

“I got hit by a fucking ball. What do you expect?” Sarcasm dripped his voice and I badly wanted to grin. He’s cute when he’s pissed. Pero kapag galit siya, he’s downright scary.

Lumapit ako sa mini-fridge ni Coach. Kumuha ako ng isang mineral water bottle na nakalagay sa freezer. Bahagyang nagye-yelo iyon which is good. I closed the fridge before walking towards Sage.

“Lagay mo sa ulo mo,” I handed him the bottle and he took it from my hand. Sinunod niya ulit ang inutos ko at napaungol siya nang dumikit iyon sa likod ng ulo niya. Napangiwi ako. This is the first time that I’m going to mean saying it. “Pasensya na talaga.”

“Whatever.” Sage mumbled under his breath. Hindi na siya nagsalita pa kaya sinimulan ko na ang pag gamut sa sugat niya. I opened the first aid kit and took some cotton ball and poured it with the peroxide. I lightly placed the cotton on Sage’s face pero kahit na dahan-dahan ang ginawa ko ay napa-aray pa rin siya sa kirot.

“Mahapdi? Hindi naman ito alcohol?”

“Try to be gentler.” He snapped and I can’t help it. I rolled my eyes. Hindi naman niya ako nakita dahil hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ko lang talaga mapigilan.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagdampi ng bulak sa sugat niya pero hindi na siya nagre-react. Siguro nasanay na siya. Kumuha ako ng panibagong cotton ball at nilagyan iyon ng betadine. I don’t know a lot about first aid but this is very basic.

Sage groaned at the sight of the cotton. “Hindi ito masakit.”

“It’s disgusting.” Nangangati akong sabihin sa kanya ang sinabi ni Marcus kanina. Where’s your dick at? I wonder if he’ll say the same thing. Bigla akong namula sa naisip ko. Why the hell am I thinking that kind of thing?

“Why are you blushing?” Sage asked and it caught me off guard.

“Namumula ako?” Wala sa isip na tanong ko sa kanya. Tumango si Sage kahit na hawak-hawak ko pa rin ang pisngi niya. Kanina, si Marcus nakita na nakangiti ako mag-isa. Ngayon naman, si Sage. I need to keep my guards up.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now