Ugly #42

76.8K 2.3K 638
                                    

Our university won the match. Natalo ang team nila Luke. Pinaghalong frustration at depression ang naging ungol ng team ng dati kong university na pinapasukan. Si Calum ay niloko pa ako, nagtatampong ipinagtulakan palayo sa kanila dahil isa daw akong traydor.

Kahit na talo ay nakangiting sinalubong ako ni Luke. Pawis siya at mukhang pagod na pagod pero hindi katulad ng iba niyang teammates ay bali wala lang sa kanya ang pagkatalo. To be honest, he seemed to be in a pretty good mood. It was weird seeing smile. Luke's an impatient asshole. Mabilis siya ma-frustrate pero mukhang good mood siya ngayon.

"What are you smiling about?" yun ang salubong ko sa kanya at mas lalo lang lumawak ang ngisi sa mukha niya. His grin was contagious. I would have smiled back at him if I wasn't confused at his weirdness.

Inangat ni Luke Dashiel ang kamay niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo ko. Nagulo na niya ang buhok ko bago ko pa iyong matapik palayo sa akin. He dropped the weird happy look in his face and just smiled like a normal person that he wasn't. "Go to your boyfriend. Kanina ka pa hinihintay n'yan. He's been practicing hard for weeks for this."

Nanlaki ang mga mata ko. "You knew he was playing?"

"Uh, yup." napakamot si Luke sa batok niya at inis na hinampas ko siya sa braso ng ilang beses. Umiilag siya sa bawat pag hampas ko sa braso niya.

"Why didn't you tell me? Nag lihim ka sa akin, Luke Dashiel! Akala ko ba best friends forever tayo!" itinuloy ko lang ang paghampas at panay ang aray naman niya habang pinipigilan ang kamay ko sa pagtama sa kanya.

"Aray! Masakit, Les!" bahagyang lumakas na ang boses ni Luke kaya alam kong naasar na siya. I don't want him to get mad at me kaya tumigil na ako like wanted. I pouted my lips and crossed my arms above my chest.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" rinig ang pagtatampo sa boses ko. Hindi naman sila close ni Sage pero may sikreto silang dalawa na hindi ko alam. It was a conspiracy.

"Because he said he wanted to surprise you. Remember when you were sulking because he's been too busy for you? Sinugod ko siya. Susuntukin ko sana siya pero sinabi niya sa akin na maglalaro siya. He said it was for you, pero ayaw niyang sabihin." paliwanag ng best friend ko sa akin. "Sage asked me to keep it and then I offered na ayain kita sa game na ito para hindi siya mahalata."

I still can't move on. I still can't believe that my best friend and my... Uh, Sage, schemed something behind my back. I felt left out.

Matulis siguro ang nguso ko dahil bigla iyon hinawakan ni Luke at pinisil ng madiin. Lagi niya iyon ginagawa pag nagtatampo ako. Sa tuwing nagtatampo kasi ako ay nakasanay ko na ang pagnguso.

"Wag ka nang magtampo." inalis ni Luke ang kamay niya sa nguso ko at tinapik ang pisngi ko. "Just go to Sage and we'll talk about what you said on the phone later, okay?"

Tumango ako kay Luke. Ngumiti ulit siya sa akin bago dumeretso sa team mates niya na sabay-sabay na nagmumukmok at pinapangunahan ni Calum. Ako naman ay isa lang ang nasa isip, at iyon ay ang makalapit kay Sage.

Naglalakad pa lang ako palapit ay natanaw ko na agad siya. Masaya siyang nakikipag-usap sa team mates. Ngayon ko lang ulit siya nakipag-interact sa team mates ng ganito. He looked young and carefree. My smile dropped as I watched him, then my heart clenched.

Naramdaman ni Sage na nakatingin ako sa kanya dahil hinanap niya ang mga mata ko. Lumiwanag ang mukha niya at lumaki ang ngiti sa labi niya nang makita ako na mas lalong nagpakirot sa puso ko. Pinilit kong ngumiti at magmukhang masaya kahit na hindi maganda ang nararamdaman ko. Hindi na nagpaalam pa si Sage sa mga team mates niya na ligalig pa rin na nag-uusap. Naglakad siya palayo sa iba para salubungin ako sa paglalakad.

The Ugly Duckling  (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now