Chapter 25 - In the name of truth

34.2K 713 70
                                    

Restuarant

Nasa harap ko si Migs busy sya sa pagbabasa sa menu kaya hindi nya napapansin ang mga tingin ko sa kanya His eyes have eye bags na dati naman ay wala, medyo mahaba na rin ang buhok nya na medyo tumatakip na sa mga mata nya pero... pero kahit ganun ang itsura nya parang ang aliwalas parin ng aura nya ngayon kumpara sa dati at kahit seryoso ang mukha nya sa pagbabasa sa hawak nyang menu ay nababakas sa kanyang mukha ang payapa nyang kalooban. Ang weird pero pakiramdam ko ibang Migs ang nasa harap ko ngayon, yung feeling na akala mo ibang tao ang kasama mo pero alam mo na sya parin yun.

" How about you Sophie?" biglang tanong nya sa akin ng nakangiti kaya bigla akong nagulat. Ang gwapo parin talaga nya at kahit iba sya ngayon ang lakas nya paring makatulala.

"Huh?" yung lang ang nasabi ko 

" I said, do you want anything to eat? I ordered Snapper with wakame in a salt crust specialty nila yun then some of their wanton okay na ba yun or do you want something else?" dinig kong sabi nya. Si Migs? nagtatanong ng gusto kong kainin? bago yun ha.

" Gusto ko ng Cheese burger and fries" wala sa sariling nasabi ko 

" What? Sophie nasa loob tayo ng chinese restaurant " aniya kaya pilit akong tumawa para wag akong mapahiya.

" Joke lang yun.. Okay na ako sa inorder mo" sabi ko pero sa isip ko pinapagalitan ko na ang sarili ko dahil tinakasan na naman ako ng katinuan. Bakit ba kasi ang lakas maka-intimedate ng lalaking ito.

" Nàme zhè jiāng shì suǒyǒu. Xièxiè (That would be all. Thank you )" dinig kong sabi ni Migs sa waiter na agad namang nag-bow bago umalis

" Marunong ka mag chinese?" tanong ko

" Yeah." simpling sagot nya

" Ah.. chinese lang?"

" I can speak Japanese, Thai, Russian, French and Spanish. Sa negosyo dapat alam mo intindihin ang mga investor para hindi ka magkaroon ng problema." sagot nya kaya bigla akong natahimik ngayon ko lang naisip na ang layo pala talaga ng agwat naming dalawa, lalo tuloy akong na-intimedate sa kanya. Si Migs at the age of 27 very successful na sya samantalang ako.... ano nga ba ang natapatunayan ko? Ang gusto ko lang naman ay maging doktor pero hindi ko pa magawa tapos ang gusto ko pa mapansin nya ako pakiramdam ko tuloy may bumara bigla sa lalamunan ko.

" Migs. Si Felicity...."

 

" What about her?" 

"Tulad mo businesswoman sya diba?"

 

" Oo. Because of her kaya marami akong natutunan sa business dahil na-expose ako sa mga negosyong ipinamana sa kanya. Why are you asking me this Sophie?"

A Tito's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon