Chapter 31 - You and I

16.1K 389 30
                                    

Chapter 31

Nasa loob ng kwato si Migs at nakaupo sa kanyang kama habang nakatitig sa malaking salamin na nasa harap nya na akala mo ay malalim ang iniisip.

" Migs I love you. I love all of you" biglang pag-alala nya sa mga salitang nasambit ni Sofia noong nasa beach sila

Tumayo si Migs at binuksan ang pinto sa likod ng malaking salamin at nagtuloy-tuloy sya hanggang marating nya ang kanyang beather room. Pagdating nya doon ay agad syang kumuha ng kahon at isa-isa nyang iniligpit ang mga gamit na nandoon. Pinagtatanggal nya lahat ng nakasabit at inilagay iyon lahat sa kahon at noong matapos sya ay isinunud na nya ang mga bagay na nasa loob ng wooden drawer iniligpit nya ang lahat at inilagay iyon lahat sa mga kahon. Maging ang kama na nandoon ay tinangalan nya rin ng bed sheet at pillow case sa madaling salita ay inalis nya lahat ng mga bagay na makikita nya sa loob ng kwartong iyon. Noong matapos sya ay isa-isa nyang binaba ang mga silyadong kahon at nilagay iyon lahat sa isang dram ng basura na nasa labas nila

" Sir Miguel tulungan na po namin kayo" salubong ng dalawang kasambahay nya noong makita sya na nagbubuhat ng kahon

" Hindi na. Ako na ang bahala dito" sagot naman nito tapos ay muli syang bumalik ng kwarto para kunin pa ang naturang kahon.

Pagkatapos nya ilagay lahat ng basura nya ay sinilaban nya ang mga iyon para tuluyan ng masira at mawala na sa kanyang paningin.

Samanta si Sophie naman ay lumabas ng kwarto nya

" What's going on?" tanong nya na halatang walang alam sa mga nangyayari sa itsura nya ay halatang nagising lang ito mula sa pagkakatulog nya

" Sophie"

" Monic anong meron bakit lahat kayo nakatingin sa labas?" tanong ulit ng dalaga

" Kasi si Sir Miguel biglang naglabas ng mga kahon at pinagsusunog sa labas lahat ng laman nun"

" Big deal ba yun?" tanong naman nito na nagkuskus pa ng mga mata

" Hindi ba? Sophie kahit kalian hindi kumilos si Sir dito sa bahay alam mo bang lahat inuutos nya tapos ngayon bigla syang nagligpit ng disoras ng gabi?"

" Nagtataka ka pa samantalang moody at weird naman talaga yang amo mo no. " sagot ni Sophie kay Monic na sakto naman sa pagbalik ni Migs sa loob ng bahay

"Who's weird?"

" Migs?" gulat na sabi ng dalaga

"Sige Sir maiwan na po namin kayo" ani Monic naman at sinenyasan nya ang mga kasama nya na umalis na agad

" Wait Monic...." awat pa ni Sophie sa mga iyon pero wala narin syang nagawa dahil naiwan na syang mag-isa kasama ang lalaking tinawag nyang moody at weird " Ah Migs. Sige ha tulog na ulit ako"

" Stay" ani Migs

" Bakit?"

"Who do you call moody and weird again?"

" Ah yun ba wala yun. Wag mo na isipin yun kasi hindi naman ikaw yun eh." Pagpalusut nya

"You really something" naiiling na lang na sagot ni Migs " Come" inilahad ni Migs ang kamay nya

"Where to?" takang tanong naman ng dalaga

"Kitchen. samahan mo akong kumain ng ice cream."

"Ice cream. Yun oh bakit ngayon mo lang sinabi tara na" sagot ni Sophie kasabay noon ang pagkuha nya sa kamay ni Migs " Anong flavor binili mo? " tanong pa nito

"Vanilla"

Pagdating nila sa kusina tinungo agad ni Mig ang refrigerator para kunin ang ice cream samantalang si Sophie naman ay nag labas ng dalawang spoon bago umupo sa harap ng table.

" Bakit pag ice cream ang ligalig mo palagi" puna ni Migs sa dalaga na agad kinuha yung ice cream. Binuksan nya agad iyon ay doon na sumandok

" Hmm sarap" sabi nya "Bakit nakatayo ka parin dyan tara dig in" yaya nya sa binata na nakatingin lang saginawa nyang pagkain

"Talagang kinukutchara mo na lang ha" comment ni Migs habang umuupo sya sa katapat na upuan ni Sophie

" Ganito kasi kinakain yan. Try mo" tapos iniabutan nya ng spoon si Migs " Ang lamig. I can eat this all day hindi ako magsasawa"

Sinabayan ni Migs kumain si Sophie sa pagkain. Lingid sa kaalaman ng dalaga na masaya syang pinagmamasdan ni Migs dahil ngayon naging malinaw na ang kanyang nararamdaman.

" Para kang bata kumain."

"Sorry favorite ko kasi 'to"

" Ang babaw mo" natigilan tuloy si Sophie sa narinig nyang sinabi ni Migs

" Minsan nakakairita ang pagiging makulit mo. Pag nandyan ka ang gulo-gulo ng mundo ko"

" Galit ka ba?"

" Madalas nakakagalit at nakakapang-init ka talaga ng ulo" sagot ni Migs " Ayoko din ng mga kilos at galaw mo. At tuwing kasama kita hindi ako makapag relax dahil halos lahat ng lalake na lu-lure mo ang atensyon."

"Oh! Tama na nakakasakit kana" awat ni Sophie hindi nya maintindihan kung bakit biglang nag iba ang mood nito

"Yan ganyan ka ang tigas ng ulo mo ayaw mong sumunod. Tapos palagi ka pang nakakontra."

" Ano ba galit ka ba?" Seryoso na si Sophie dahil nalilito na sya sa mga pinagsasabi ng binate. " Paghindi mo pa tinigil itong arte mo babalik na ako sa kwarto ko" banta ni Sophie dahil kapag nagtagal pa sya baka hindi na nya mapigilan ang sarili at mag-away na talaga sila

"Hindi pa ako tapos magsalita singit ka ng singit pwede bang makinig ka muna."

"Pano ako titigil ang sakit ng mga sinasabi mo?"

" Sophie please. I'm trying to propose" biglang sabi ni Migs na sobrang ikinagulat ng dalaga

" Sophie sa dami ng nakakainis sayo at sa dami ng hindi ko gusto sa mga kilos mo may isang bagay lang akong napatunayan.. Dahil sayo nagustuhan ko na ulit magmahal" hindi parin nagsasalita si Sophie sinubukan nyang ibuka ang bibig nya pero natigilan parin sya " Yes Sophie. Im in love with you hindi bilang si Miguel Romano kundi bilang isang lalake na handang isuko ang lahat ng meron sya para sa babaing pinakamamahal nya kahit na ano pa ang maging kahihinatnan nito"

" Migs I lov... " hindi na magawang magsalita ni Sophie dahil sa walang tigil na pagpatay ng mga luha nya

" I love you so much Sofia Merced and I want you to be part of my life" pagkasabi nya noon ay lumuhod si Migs sa harap ni Sophie " I don't have a diamond ring and this place is definitely not a fancy restaurant. No candle lights or fetal roses on the floor and we're in our pajamas for pity's sake at alam ko rin na this is not what you've imagine it to be" bahagyang natawa silang dalawa sa mga nangyayari kasabay noon ay hinawakan ni Migs ang kamay ni Sophie" All I have right now is myself. Sophie I'm not perfect for you. Alam ko na marami pang mas karapat dapat sayo I cannot promise you that we will be the happiest couple. I cannot promise you that what we have can last forever. But I know one thing and that I am sure of; I know in my heart that I love you and if you will accept me I'm willing to prove that to you every single day of our lives."

" I love you too. Migs I love you too"

"Marry me?"

" I do"

" Sophie"

"Yes Migs" iyak tawang sagot ni Sophie at dahil doon ay tumayo si Migs at yinakap nya ng mahigpit ang dalaga

" I love you so much Sofia"

" I love you too"

A Tito's PetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang