Chapter 29 - Knight in shining armor

22K 580 35
                                    


Katatapos lang ng board meeting kaya nakahinga na ako ng maluwag. Ito yung first time na nakita at nakilala ko ang mga directors sa company ni Migs kaya nagulat ako noong makita ko silang lahat kasi may mga eded na sila, parang si Migs lang ang bata sa kanila but what surprise me more ay nakita ko ulit si Hunter na kasama din nila sa meeting.


" We meet again" dinig kong sabi ng isang boses at noong tumingala ako mula sa pagsusulat na ginagawa ko ay nagulat ako na makita sa harap ko si Hunter. Nakasuot sya ng Grey Suit na lalong nagpagwapo sa kanya.



" Hi!" simpling bati ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko " Do you need anything Sir ?" tanong ko pero sa gulat ko ay tinawanan nya ako



"Why so formal?" aniya na parang naa-amuse sa akin



"Kasi your one of the boss and I'm just an EA here so I guess wala namang masama na magpaka formal-formalan diba Sir?"



" Well, first of all you're cute when you're shy. Second, I don't like being label as the 'boss' here that is why I asked everybody to just call me by my name and third formality is not my game and seeing you doing that kind of thing makes me want to kiss you right now so might as well stop it for your own good." Sabi nya. At alam ko na nakita nya na sobrang namula ang mukha ko the moment na sinabi nya na cute ako kaya for the first time ever I'm speechless.



" So.. May kailangan ka ba sa akin?" na manage kong sabihin bago ko pa hilingin na kainin na ako ng lupa dahil sa kahihiyan



" Wala naman, I just want to say hi to you" aniya habang nakangiti ang I swear pakiramdam ko matutunaw ako sa ganda smile nya na abot hanggang mata kaya hindi na naman ako nakapag salita. Nabato ako at walang pumapasok sa utak ko ngayon basta nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa maramdaman ko na may humawak ng braso ko at nag vibrate sa buong katawan ko ang familiar na presence na iyon.



"Sophie." Tawag ni Migs sa pangalan ko na noong sa mga oras na iyon ay nasa tabi ko na pala kaya bigla akong bumalik sa realidad



" Yes Sir Migs?"



" Coffee." Yung one word na iyon na binigkas nya ay agad na nag send sa akin ng goose bump dahil parang na badtrip ko sya at patay ako sa kanya later.



" Right away Sir" sagot ko " Excuss me" paalam ko sa kanila bago ako punta sa coffee counter



" Hunter why are you still here? May kailangan ka pa ba?" dinig kong tanong ni Migs kay Hunter at noong nilingon ko sila ay magkaharap na sila kaya napagmasdan ko pa silang mabiti.



Si Migs at si Hunter ay magkasing taas, pareho din ang build ng katawan nila ganun din ang mga tindig nila parehong mapusyaw ang kulay nila pero mas maputi si Hunter at maamo ang mukha nya tipong boy next door ang image na tipong what you see is what you get samantalang si Migs ay may pagka mysterious ang aura yung hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak mahirap syang basahin dahil para syang isang tahimik at malalim na lawa na hindi mo alam kung ano ang nasa ilalim samantalang si Hunter para syang isang malawak na dagat na may malakas na alon na kung hindi ka mag-iingat ay matatangay ka

A Tito's PetWhere stories live. Discover now