Chapter 12 - Proved me wrong

88.7K 919 109
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko at mabilis akong kumilos para patayin iyon, 6 o'clock in the morning na pero pakiramdam ko hindi parin ako satisfied sa tulog ko

" Lets make another deal kung makikita mo ang lalaking magmamahal sayo in 3 weeks maniniwala ako sa love tulad ng gusto mo."

Biglang pag-alala ng utak ko sa mga huling sinabi ni Migs kagabi noong nasa bahay kami ng Daddy nya na ikinabigla ko. Wala akong nasagot doon basta nanahimik na lang ako. Nalilito na ako sa sarili ko kung noon nya iyon tinanong sigurado na walang kahirap-hirap na sasagutin ko sya ng AYOKO pero kagabi nagdalawang isip akong sumagot, Nababaliw na ata ako. Ano bang nangyayari sa akin? So what kung hindi sya naniniwala sa love pakialam ko ba sa kanya problema nya yun no. Pero bakit parang nakokonsensya ako. Bakit parang gusto kong patunayan sa kanya na may true love na it really exist. AHHHHH...... bahala nga sya.. masisiraan ako ng isip sa kany

Tumayo na ako at nag- prepare ng sarili dahil papasok pa ako sa office nya, isa pa iyon bakit ba looking forward na akong pumasok ngayon? at kelan pa ba ako natutung gumamit ng alarm clock para lang wag ma-late? Hay.. ewan ko ba Sophie control your self temporary ka lang dito. Aalis ka

Time Check 8:00 AM


Nasa office na ako. Sabay kami ni Migs pumasok pero hindi kami nag-uusap habang nasa biyahe papunta sa opisina. At dahil wala naman akong gustong sabihin sa kanya hindi ko rin sya kinausap

" Sir Miguel nandito na po tayo" sabi ni Jason kay Migs matapos nyang lumabas ng sasakyan at umikot sa pinto nito para pagbuksan si Migs ng pinto.

" Sir?" tawag ulit ni Jason, doon pa lang kumilos si Migs para lumabas ng kotse sumunod naman ako at sa kanya kung saan sya lumabas.

" Thank you " sabi ko nalang kay Jason paglabas ko ng sasakyan pero nakay Migs ang paningin ko na noon ay nagtuloy-tuloy na sa loob ng building grabe anong problema nun?

Pumasok na ako ng building bahala si Migs sa buhay nya kung ayaw nya akong kausapin pagod na ako para intindihin pa sya. Padabog akong sumunod sa kanya pasakay ng elevator nakita ko sya na nandoon at hinihintay ako


" Sofia " tawag nya, ang lamig ng boses nya parang walang emosyon

" Yes?"

Bumuntung hininga muna sya bago ulit sumagot " Nothing " sabi nya tapos ay bumukas na ang elevator at nauna na syang lumabas at nagtuloy-tuloy na sa opisina nya.

" Weird!" inis kong nasabi tapos sumunod na ako sa kanya, Ano bang problema nun?

Ang aga nasira ng araw ko kaya lalo akong naasar lahat ng ginagawa ko mali pati simpling pag pa-fax ng document nagkakamali pa ako

" Sophie are you okay?" tanong ni Megan kaya napatingin ako sa kanya clueless " Kanina ko pa kasi napapansin na bad mood ka may nangyari ba sayo kahapon?"

" Huh?" sabi ko hindi ko kasi alam na masyado na pala akong halata.

" Kahapon kasi pagbalik ko wala na si Sir tapos sabi ng guard kasama ka daw nya so naisip ko na kaya ka bad mood dahil inutus-utusan ka ni Sir Miguel" sabi pa nya, oo nga pala nakalimutan ko magsabi sa kanya kahapon

" Ah!. No its not about that, Sorry halata ba?" tanong ko

" Super. You know of all the girls here I think you're the most lucky "


" Why did you say that?" litong tanong ko

" Because you seem special for Sir Miguel"

A Tito's PetWhere stories live. Discover now