Chapter 23 - The Reason

867 60 7
                                    

"Bring Lei" maikling sagot niya. Tumango si Yang Mi at nagwhistle. Lumabas ang isang lalake na may madungis na kasuotan at puros galos at duguan ang mga kamay at kanyang damit

"LEI!" malakas na sigaw ni Ajie at lumingon kay Yang Mi "WHAT THE HELL DID YOU DO!!"

"It's really nothing. It's just that.....even if he's a puppet....he doesn't want to listen to me" lumapit siya kay Lei at iniangat ito sa ere

"Don't you love him? Ang sabi mo mahal mo siya hindi ba?!" nanggagalaiting sigaw ni Ajie

"That was before.....Pero he keeps on saying na kailanman ay hinding hindi niya ako mamahalin so i made him like this. If he doesn't love me back then there's no way in hell that i will let him go. It's better to turn him this way" mapaglarong sagot ni Yang Mi at ikinuyom niya ang kanyang kamay. Nakaramdam ng labis na sakit si Lei na parang pinipiga ang kanyang puso at nagsimulang lumabas ang mga dugo mula sa kanyang bibig pero walang lumalabas na salita na parang immune na immune na siya sa sakit ng katawan. Walang buhay siyang nakatingin sa paligid habang makikita ang mga sakit sa mga mata niya pero hindi siya nangahas na magbuga ng kahit isang salita. Ipinikit ni Ajie ang kanyang mata upang maiwasan ang nakikita pero hindi siya makatiis kaya't humarap siya kay Yang Mi

"You've gone mad Yang Mi! Hindi ikaw ang Yang Mi na nakilala ko. Your a demon or worse than evil! Yang Mi wouldn't do anything stupid like this!" tumulo ang isang patak ng luha mula sa kanyang mga mata

"Enough chitchats!" putol ng hari sa kanilang usapan "Yang Mi! hold them for a bit" utos niya sa kanyang anak

"Yes Father" nagsimula nang umalis ang hari nang mapatigil ang mga ito

"NO ONE LEAVE!" napalingon ang lahat sa boses na nagpatindig ng kanilang balahibo

Nagbago ang kulay ng mga mata ni Ajie at naging gold. Ang buhok niya ay unti unting naging snow white ang kulay. Gayundin ang kanyang kasuotan na puti na may gold linings ito. Nagbago din ang anyo ng Sparks Amidst Snow at naging dragon na may kombinasyon ng yin at yang. Habang ang dragon naman ay nagpalit na din ng kulay at naging white-gold na ito at red ang kanyang mga mata na pumalibot kay Ajie

Everyone trembled in fear including Jiyang, Jinling and Jingyi just by watching it

Dumating ang mga Royal Army's pati na din ang Hari ngunit hindi sila makalapit dahil sa malaking barrier na pumapalibot sa kanila. Nakatingin lang sila sa nangyayari sa loob at hindi nila maiwasang kabahan at matakot sa kanilang nakikita

Iwinasiwas ni Ajie ang kanyang mga kamay sa ere at lumitaw ang Twelve Linked Fortress.

"It's the Aetherious!" mahinang sambit ng hari ng Nevernight Kingdom pero narinig ito ng kanyang mga army's at hindi nila maiwasang manghina ng tuhod sa kanilang narinig...

"So....s-so all this t-time. P-Princess A-Ajie is the legendary A-Aetherious that were looking for?" tanong ni Guti habang hindi niya iniaalis ang tingin kay Ajie

"Yes she is. Ang akala ko ay isang myth lang iyon pero hindi ko alam na ang anak ko lang pala" mahinang sagot niya

Ipinikit ni Ajie ang kanyang mga at may ibinulong sa hangin. Pagmulat niya'y naging crimson red ang kanyang mga mata at itinutok niya ang dalawampu't dalawang espada sa mga natitirang tauhan ng Yihua Kingdom at sa isang iglap ay natumba ang mga ito.

"Dammit! Kill her now!" tarantang utos ng hari kay Prince Jiren. Tumango siya at iminuwestra niya ang kanyang espada sa direksiyon ni Ajie ngunit bago siya makalapit ay agad naging isang flute ang twelve linked fortress. Pinatugtog niya ang Equivocation at may lumitaw na mga spirits at walang kahirap hirap na inislice nila ang katawan ni Jiren sa dalawa

Naglakad sa hangin si Ajie palapit sa hari ng Yihua Kingdom na siyang nagdulot ng labis na takot sa mga ito

"Dont come!.....dont come..." paulit ulit na sabi ng Hari pero patuloy padin si Ajie sa paglapit. Nagpatugtog siyang muli na tanging ang hari lamang ang nakakaririnig. Ang tugtog na iyon ay mas malala pa sa una niyang pinatugtog dahil hindi lang isang slice ang gagawin nito kundi maghiwa hiwalay ang kanyang mga kamay, ang ulo, dalawang paa, tiyan at leeg at gayon nga ang nangyari sa hari

Lumingon siya kay Yang Mi na hawak hawak parin si Lei

"Dont c-come...or else i'll kill him" takot na takot nitong sabi pero hindi siya pinansin ni Ajie.

"Let him go" malamig na utos niya at dahil sa sobrang takot ay nabitawan niya si Lei at agad siyang sinalo ni Blood at unti unting inilapag sa lupa

"Yang Mi. Your not Yang Mi!" nasa harapan na niya ito. Sinakal niya si Yang Mi at itinaas sa ere gamit ang kanyang isang kamay "My Senior martial sister will never do this kind of inhumane things!" Hinigpitan niya ang pagkakasakal rito at ibinagsak niya siya ng malakas pababa "Yang Mi will never harm me. Pero siguro nagkamali ako" naging gold sword ang dragon at agad na naglandas sa katawan ni Yang Mi na tumama sa bandang puso niya at mabilis itong binawian ng buhay. Bumaba si Ajie at nilapitan si Lei. Nagpalit na din ng anyo si Blood at nilapitan ang kanyang Master.

Ipinatong ni Ajie ang kanyang kamay sa dibdib ni Lei at unti unti itong gumaling at nang maipasa niya ang enerhiya sa katawan ni Lei ay nawalan ito ng malay

Hindi makagalaw ang mga nanonood sa kanilang kinatatayuan hanggang sa mawalan ng malay si Ajie. Binuhat siya ni Mingyu at naglakad sa direksiyon ni Jiyang saka niya siya binigay sakanya

"Take care of my master" iyon lang ang sinabi niya at linapitan niya si Lei at binuhat saka niya dinala  sa Lotus Pier Sect

"Ji'er" mahinang tawag niya ni Jiyang pero wala siyang natanggap na sagot

"S-Shijie!" agad na nilapitan ni Jinling ang kanyang kapatid at ineksamin. Lumapit si Jingyi at hinawakan ang kaliwang kamay niya

"Her pulse is weak. Same as to her spiritual power. She needs to rest"

Nakapasok na din ang Hari ng Nevernight Kingdom at agad na nilapitan ang anak

"How's my daughter?" tanong nito

"She's fine. But she needs to rest"

"Bring her to my palace then" utos niya kay Jinling pero lumingon si Jinling kay Jiyang

"No. She wants to stay in Peach Pier Sect" maikling sagot ni Jiyang at naglaho siya sa hangin kasama si Ajie. Naiwang nanlumo ang hari at sa huli'y nagdesisyon na bumalik sa kanyang kaharian kasama si Jinling

Umalis si Jingyi at sinundan si Jiyang pero nakasalubong niya si Mingyu kaya't sabay silang pumunta sa Peach Pier Sect


_______
Thanks for reading!

~slnt_scrms

Sparks Amidst Snow: The Ancient (UNEDITED)Where stories live. Discover now