Prologue

4.4K 288 14
                                    

In Nevernight Kingdom, twins were born from the Royal Family. One was blessed by the heaven while the other was unfavored.

"Uwaaaaa uwaaaaa uwaaaaa" iyak ng dalawang sanggol, ngunit labis ang pagkabigla ng kumadrona ng makita nito ang marka sa noo ng isang sanggol. Kaya't nanginginig at nag aalinlangan siyang humarap sa Hari at Reyna.

"M-Mahal na H-Hari at R-Reyna. A-a-ang P-Prinsesa po a-a-ay---" Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin at sa sobrang takot ay ihiniga na lamang niya ang mga sanggol sa tabi ng kanilang ina.

"S-Sparks Amidst S-S-Snow??" T-This can't be. Nanginginig na binuhat ng Hari ang sanggol na animoy binagsakan ng langit at lupa.

Mabilis na kumalat ang balita sa buong kaharian at ito'y nagdulot ng labis na takot at kilabot sa buong mamamayan.

"M-Mahal na H-Hari, A-Ano ho ba ang dapat nating gawin nagkakagulo na ho ang mga tao sa labas ng kaharian." Nag aalalang tanong ng kanang kamay nitong si Mirtan.

"Mahal na Hari, alam naman nating lahat kung ano ang ibig sabihin ng Sparks Amidst Snow na ngayo'y nasa sa noo nga prinsesa. Kung pababayaan natin ito sa kadahilanang isa siyang Prinsesa ay natatakot akong ito na ang magiging katapusan ng mundong ito....Isa lamang ang nakikita kong solusyon sa problemang ito." sabi ng tagapagpayo ng Hari.

"Anong solusyon ang iyong naisip?" Malungkot na tanong ng Hari.

"Iyon ay ang kitilin ang buhay ng Prinsesa. Sa ganitong paraan lamang natin maibabalik ang kapayapaan ng buong kaharian."

Alam ng Hari na wala na talagang ibang solusyon kaya't kahit mabigat ang kalooban ay ipinakuha niya ang prinsesa at ipinag-utos na patayin ito.


________
Thanks for reading!♥️

Sparks Amidst Snow: The Ancient (UNEDITED)Where stories live. Discover now