ACT SIX

175 0 0
                                    

***OPEN CURTAIN***

SFX:

Setting: Sa piitan ng Fort Santiago (4 PM)

Cast: JOSE RIZAL, DOÑA TEODORA ALONZO, TRINIDAD, NARCISA, ANGELICA, MAURICIO

At Rise:

[Dumating si Doña Teodora at agad hinagkan si Rizal]

[Ang mag-ina ay nagsimula ng mag-iyakan ngunit agad na hinila ang dalawa ng mga gwardya at pinaglayo]

[Dadating si Trinidad upang pigilan ang mga guwardya]

JOSE RIZAL


Por favor, déjame hablar con mi familia

[Pinakawalan naman ng mga guwardya si Dona Teodora at Trinidad]

JOSE RIZAL

Ina, kingagalak ko po kayong Makita.

DONA TEODORA ALONZO

Pepe, mahal kong anak. Hindi makatarungan ang hatol sa iyo. Hindi ako makapapayag—

JOSE RIZAL

Ina, hindi na po mababago ang kapalaran na iyon.

DONA TEODORA ALONZO

(Umiyak at humikbi ang si Dona Teodora)

JOSE RIZAL

Inay, sa oras ng aking kamatayan, ipagtanong niyo po ang aking katawan sa kadahilanang baka itapon na lamang nila ako sa kung saan. Ilibing niyo po ako at lagyan ng krus kasama ng aking araw ng kapanganakan at kamatan, yun lamang po ang aking huling kahilingan.

DONA TEODORA ALONZO

Kung iyan ang nais mo, Pepe. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa pag-aayos ng iyong mga labi.

JOSE RIZAL

Maraming Salamat po, Ina.

Trinidad may nais akong ibigay sa iyo.

TRINIDAD

Ano po iyon, aking kapatid?

JOSE RIZAL

(Ibinigay ni Rizal ang lampara na may liham na "Mi Ultimo Adios"]

There's something inside.

TRINIDAD

(Pagtango ang kanyang naging tugon at tinaggap ito)

Siya nga po pala, nariyan din sa labas si Narcisa at iyong dalawang pamangkin na si Angelica at Mauricio.

JOSE RIZAL

Ganun ba? Kung gayon ay papasukin din sila.

[Pumasok sina Narcisa, Angelica, at Mauricio]

JOSE RIZAL

Narcisa, mahal kong kapatid. Kinagagalak ko na Makita ka.

Nais kong ibigay ang Upuang Kahoy na ito.

NARCISA

Maraming Salamat aking kapatid.

JOSE RIZAL

Walang anuman.

Angelica, tila kay bilis ng iyong paglaki. Heto, tanggapin mo ang panyo na ito. Gamitin mo ito palagi.

ANGELICA

Maraming Salamat po. Makakaasa po kayong gagamitin ko ito palagi.

JOSE RIZAL

Mauricio, ngayon na lamang kita muling nasilayan. Tila ba kay bilis din ng iyong paglaki. Heto ang relo at sinturon, gamitin mo iyan at pangalagaan.

MAURICIO

Maraming salamt po dito. Tiyak na magagamit ko po ito palagi.

JOSE RIZAL

Salamat sa pagdalaw ninyong lahat. Pagpasensyahan niyo na ang mga munting regalo na iiwan ko sainyo.


***CLOSE CURTAIN***

Ang Huling Araw ni Rizal [Script]Where stories live. Discover now