ACT THREE

177 0 0
                                    

***OPEN CURTAIN***

SFX:

Setting: Kapilya ng Preso (Simbahan o Chapel) [7 AM]

Cast: JOSE RIZAL, PADRE MIGUEL SADERA MATA, PADRE LUIS VIZA, 2 GWARDYA SIBIL

At Rise:

[Dinala si Rizal sa Kapilya ng Preso ng 2 sundalo]

[Umupo si Rizal sa tapat ng altar]

[Sunod na pumasok sa kapilya ang dalawang Padre at umuupo sa tabi ni Rizal]

PADRE MIGUEL SADERA MATA

Jose, kay tagal na ng huli nating pagkikita.

JOSE RIZAL

Kayo pala 'yan, Padre Mata at Padre Viza.

PADRE LUIS VIZA

Kinagagalak namin na makita kang muli, Jose.

JOSE RIZAL

Gayon din po ako mga Padre.

PADRE MIGUEL SADERA MATA

Sa kabila ng aming kagalakan na makita ka, kami rin ay nalulungkot sa naging hatol sa iyo ng hukuman.

JOSE RIZAL

Lumagda na po ako sa opisyal na pahayag, Padre. Wala na po akong magagawa pa.

PADRE MIGUEL SADERA MATA

Ipag pasa Diyos natin iyan, Jose.

JOSE RIZAL

Maraming Salamat po, Padre Mata. Salamat po sa pag laan niyo ng oras na dalawin ako.

PADRE MIGUEL SADERA MATA

Walang anuman. Makakaasa kang ipananalangin kita palagi. Ito na marahil ang huli nating pakikita. Ako ay mauuna nang umalis, Jose. Paalam at pag-palain ka ng Diyos.

Padre Viza, paalam rin sayo.

JOSE RIZAL

Maraming salamat po, Padre. Tanggap ko na po ang aking kahihinatnan. Mag-iingat po kayo.

PADRE MIGUEL SADERA MATA

(Pag tango ang kanyang naging tugon kay Rizal atsaka lumisan)

(Tinaas niya ang kanya at sumenyas ng pamamaalam kay Rizal at Padre Viza)

JOSE RIZAL

Maraming Salamat din po sa pagdalaw, Padre Viza.

PADRE LUIS VIZA

Agad akong pumunta nang malaman ko ang balita. Kinalungkot ko ang desisyon ng hukuman.

JOSE RIZAL

(Walang tugon ngunit pala-isipan ang kanyang mukha)

PADRE LUIS VIZA

Siya nga pala, Jose. Naaalala mo pa ba ang inukit mong imahe ni Hesus noong ikaw ay estudyante pa lamang?

JOSE RIZAL

Opo, Padre. Iyon po ang nagpatatag ng pananampalataya ko. Bakit niyo po naitanong?

PADRE LUIS VIZA

Dahil dala ko ito, at nais kong ibigay muli sayo.

(Ibinigay ni Padre Viza ang inukit na imahe ni Hesus)

JOSE RIZAL

(Tinaggap ni Rizal ang inukit niyang imahe ni Hesus)

Salamat po, Padre. Makatutulong po ito sa pagpapalakas ng loob ko.

PADRE LUIS VIZA

Walang anuman. Nararapat lang na mabalik yan sa iyo.

Halika na, Jose. Sasamahan kita pabalik sa iyong selda.

[Tumayo si Rizal at Padre Viza at naglakad pabalik sa selda]

[sumunod naman ang dalawang sundalo sakanila]


***CLOSE CURTAIN***

Ang Huling Araw ni Rizal [Script]Where stories live. Discover now