ACT TWO

226 1 0
                                    

***OPEN CURTAIN***

SFX:

Setting: Sa piitan ng Fort Santiago [6 AM]

Cast: JOSE RIZAL, KAPITAN RAFAEL DOMINGUEZ

At Rise:

[Si Rizal ay naka upo sa likod ng kanyang lamesa]

[Pumasok si Kapitan Dominguez sa kulungan ni Rizal]

KAPITAN RAFAEL DOMINGUEZ

Rizal, narito ako upang basahin sa'yo ang pahayag na hatol galing sa hukuman.

JOSE RIZAL

(pag tango ang kanyang naging tugon sa Kapitan)

KAPITAN RAFAEL DOMINGUEZ

(Binabasa ang pahayag na kanyang dala)

Jose Protacio Rizal, ikaw na nasasakdal sa ilalim ng kataasa taasang hukuman ay hinahatulan ng mabigat na kaparusahan na kamatayan. Lagdaan mo ang pahayag na ito bilang patunay na ikaw ay sumasang-ayon sa opisyal na hatol sa iyo.

(Inabot ni Kapitan Dominguez ang pahayag at pinalagdaan ito kay Rizal)

JOSE RIZAL

(Tinggap niya ang pahayag at lumagda, atsaka binalik ito sa Kapitan)

Maraming Salamat, Kapitan. Lubos kong tinatanggap ang opisyal na hatol na ito.

KAPITAN RAFAEL DOMINGUEZ

Mabuti naman kung gayon. Sulitin mo ang nalalabi mong mga oras, dahil ito na ang huli.

JOSE RIZAL

Naiintindihan ko, Kapitan. Muli, maraming Salamat.

[Lumabas na ng kulungan si Kapitan Dominguez]

***CLOSE CURTAIN***

Ang Huling Araw ni Rizal [Script]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu