ACT FOUR

157 0 0
                                    

***OPEN CURTAIN***

SFX:

Setting: Sa piitan ng Fort Santiago [8 AM]

Cast: JOSE RIZAL, PADRE LUIS VIZA, PADRE ANTONIO ROSELL, TEN. LUIS
TAVIEL DE ANDRADE

At Rise:

[Nakasalubong nina Padre Viza at Rizal si Padre Rosell habang naglalakad pabalik sa selda.]

PADRE ANTONIO ROSELL

Magandang Umaga, Jose at Padre Viza!

JOSE RIZAL

Padre Rosell, magandang umaga po.

PADRE LUIS VIZA

Magandang umaga din Padre.

PADRE ANTONIO ROSELL

Jose, pinaghanda kita ng umagahan at sasaluhan kita.

JOSE RIZAL

Nag-abala pa po kayo Padre Rosell, maraming Salamat po. Halika, Padre Viza, at saluhan mo na rin kami sa pagkain ng almusal.

PADRE LUIS VIZA

Salamat sa pag imbita, Jose. Ngunit ako'y ay mauuna nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako.

JOSE RIZAL

Ganun po ba, kung gayon ay mag ingat po kayo. Maraming Salamat po ulit sa pag dalaw.

PADRE LUIS VIZA

(Pagtungo ang kanyang nagging tugon, atsaka umalis]

PADRE ANTONIO ROSELL

Tayo na't mag-agahan, Jose.

[Umupo si Rizal at Padre Rosell upang mag-agahan]

JOSE RIZAL

Mukhang masarap po ang inihanda ninyong pagkain, Padre.

[Biglang pumasok sa eksena si Ten. De Andrade]

TEN. LOUIS TAVIEL DE ANDRADE

Mawalang galang po. Magandang araw po sainyo, Padre.

Magandang araw din sa'yo, Jose. Nandito ako upang dumalaw.

JOSE RIZAL

Magandang araw, Tenyente! Salamat sa iyong pagbisita. Gayong narito ka na din naman, nais kong mag pasalamat sa serbisyong naitulong mo sa akin.

TEN. LOUIS TAVIEL DE ANDRADE

Paumanhin, Jose. Lubos ang aking panghihinayang. Kung nagawan ko lang sana ng paraan, baka hindi ka nahatulan ng kamatayan.

JOSE RIZAL

Ang nakaraan ay tapos na, Tenyente. Atin nang tanggapin ang ating pagkatalo.

***CLOSE CURTAIN*** 

Ang Huling Araw ni Rizal [Script]Where stories live. Discover now