Chapter 5. Gatorade

82 10 0
                                    

Kurt Vince Rugnao POV

"Dear Carl,

Ito ang una kong sulat para sayo, alam mo ba nong unang landas pa lang ng mga mata ko sayo sa Junior's building ay natamaan na ako? Alam mo ba ang salitang love at first sight? Ganon ata ang nangyari sa akin eh! Pinana agad ni kupido ang bata kong puso. Sana magawa rin niyang panain ang puso mo. Carl Debrick mahal kita! Kahit na hindi kita gaanong kakilala, alam ko sa puso ko, ikaw ang tinitibok nito.

Nagmamahal,
CJ"

"Sh*t Bro ang pogi mo talaga! Love at first sight daw oh!"-tukso ko sa kanya, sinamaan naman niya ako ng tingin at kinuha ang letter sa kamay ko. Naglakad na siya papalayo habang tangay ang sulat.

"Bro, paano tong mga to?!"-sigaw ko sa kanya habang turo ang mga love letter sa sabig.

"Sunugin mo!"-balik nitong sigaw kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang mga ito at sinunog.

Callei Jace Francisco POV

Nakatago ako ngayon sa mga puno sa tabi ng basketball gym. Tinitignan ko lang kung sino ang unang magbubukas nito. Baka kasi si Carl kaya alam ko na kung anong oras ko dadalhin ang Gatorade na para sa kanya.

Maya maya lang ay nakita ko siyang naglalakad habang hawak ang isang yellow green na papel. Muntik na akong napatili. Omg hawak niya ang letter ko!

Napangiti naman ako at saka umalis sa lugar na iyon. Baka magsisimula na ang klase mahirap na baka mapagalitan ako.

***

"Hi girls"-bati ni Kuya Kurt sa amin, napatingin naman ako kay Carl na ngayon ay bored na umupo at sinumulang kumain.

"Hi kuya Kurt"-bati ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin.

"Hey, Callei kumain ka na!"-sabi ni Sashini ngunit ngumiti naman ako.

"Busog na ako, nakikita ko pa lang siya busog na talaga ako pati ang mga mata ko"-nakangiting sabi ko at sumulyap sa Carl.

"Eh hindi ka pa naman kumakain ah"-sabi ni Sashini ngunit hindi ko na lang siya pinansin at pasulyap sulyap na lang ako kay Carl.

***

Uwian na, at nandito na naman ako sa Senior's Building para ilagay ang sulat ko.

Nang nailagay ko na ay dali dali na akong umalis.

Naglakad na ako papunta sa harap ng school, naghihintay sa driver namin ngunit gaya kahapon may tumigil na namang kotse at si Carl iyon! Pwede ng tumili?

"Hop in"-sabi niya kaya pumasok na ako sa kotse niya.

Habang nakaupo ako ay hindi ako mapakali. Omg! Nandito na naman ang puso kong kumakarera.

Nakita ko siyang tumingin sa akin. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at saka lumapit sa akin. Ramdam ko ang kanyang hininga sa mukha ko. Nanlalamig ang aking mga kamay. Napapikit ako hanggang sa namalayan ko na lang na wala na siya sa harap ko. Nakita ko siyang kinabit na niya ang seatbelt nito. Nilagyan niya lang pala ako ng seatbelt hehe. Kinikilig ako talaga!

That Day She Find Her HappinessWhere stories live. Discover now