Chapter 4. Letter

102 9 2
                                    

Callei Jace Francisco POV

Katatapos lang ng klase namin, nagtext ako kay Mom na pupunta lang kami sa isang cafe malapit sa school. Alam naman iyon ni Mom kaya pinayagan niya ako. Susunduin na lang nila ako.

Napatingin ako kay Sashini na nasa pila. Siya ang kauna-unahang taong kumausap at ginawa akong kaibigan.

Napangiti naman ako dahil doon. Hindi ko inexpect na magiging kaibigan ko siya sa kauna-unahang araw ng aking klase.

"Ito na"-sabi niya at saka nilapag ang order niya.

Ngumiti naman ako at kinuha ang isa niyang binili. Caramel ice tea.

Nakatingin lang ako sa kanya, salita siya ng salita at ako naman ay tumatango tango.

Maya maya lang ay may dalawang lalakeng pumasok, muntik ko nang nahulog ang aking inumin.

Mukhang hindi nila kami napansin kaya pumila na sila.

Tumingin lang ako kay Sashini, na ngayon ay salita parin nang salita. Hindi ba siya napapagod?

"Hi Ladies"-bati ng isang boses lalake. Napatingin ako, munting ko nang naibuga ang aking inumin kay Sashani Buti na lang ay napigilan ko.

"Can we seat here?"-tanong ni Kuya Kurt at umupo sa tabi ko.

"Nagtanong pa!"- bulong ko saka umirap.

"Ano yon?"-tanong nito kaya umiling lang ako.

Bale ganito ang arrange namin.
                  Sashini
          Carl Table
                 Kurt and Me

"I'm Kurt Vince Rugnao, and this is Carl Debrick Ragunton"-pakilala nila sa amin. Napatango naman ako.

"I'm Sashini Fuwa and this is Callei Jace Francisco"-pakilala ni Sashini sa aming dalawa.

"Pareho ba kayong merong ibang lahi?"-tanong ni Kurt sa amin.

"I'm a half Filipino and half Japanese at siya naman ay pure Filipino"-sagot ni Sashini kay Kurt.

"Wow, ikaw halata, pero kay Callei parang hindi"-namamanghang sabi ni kuya Kurt at saka tumingin sa akin. Tumingin din sa akin si kuya Carl.

"I'm a home schooler"-mahinang sabi ko, kaya napatango tango naman ito.

***

"Bye bye ladies"-paalam ni Kuya Kurt sa amin. Yumuko naman kami ni Sashini.

"Wala ako type sa kanila"-deretsong sabi ni Sashini, napangiti naman ako ng kunti. Kasi ako meron. Damn..

"So I have to go, anjan na ang sundo ko"-paalam ni Sashini kaya napangiti naman ako sa kanya.

Napatingin ako sa relo ko, antagal naman ni kuyang driver.

Nag-antay pa ako ng 30 mins. Wahhh. 5:00 pm na!

Maglalakad na sana ako ngunit may tumigil na kotse sa harap ko. Bumaba ang bintana nito kaya muntik na akong matumba.... Si Carl...

"Hop in"-sabi niya, umiling ako biglang hindi pagsang-ayon.

Bumaba siya at binuksan ang passenger seat. Nag-aantay lang siya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok.

"Sa subdivision"-sabi ko tumango lang naman siya.

***

"Maraming salamat!"-sabi ko at saka yumuko. Tumango lang ito at umalis na.

Bumukas na rin ang gate kaya pumasok na ako. Naglakad na ako papunta sa aming bahay. Sa harap ng subdivision niya kasi ako ibinaba.

"My sweety!"-bati ni Dad sa akin.

"Hi dad!"-bati ko at saka humalik sa pisngi nito.

"Pasensya na dahil hindi ka nasundo ng driver. May sakit kasi siya ngayon tas kararating ko lang din"-sabi ni Dad sa akin.

"Its okay Dad"-sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.

Carl Debrick Ragunton POV

"Bro!"-sigaw ni Kurt sa akin. Tinignan ko naman siya with bored look

"Si Callei pasok sa archery club, tara panoorin natin ang practice niya!"-yaya nito habang hinahatak hatak ako.

Kahapon ko pa lang alam na pasok siya, she is great!

Tumingin ako kay Kurt, kung hindi ko lang alam na may gusto ito kay Sashini eh mapagkakamalan mong si Callei ang gusto niya. He want to be friends with Callei para tulungan siya nitong mapalapit kay Sashini.

Napailing na lang ako.

Carmela Buenavista kailan ka babalik sa aking piling? It's been 2 years nong nagkahiwalay tayo!
She break up with me and I don't know why. But I promised to my self that I will wait for her.

Grade 9 when we met, mag two two years na sana kami ngunit nakipagbreak siya sa akin. But still hanggang ngayon siya parin.

Nabalik ako sa wisyo nung sumigaw si Kurt!

" Go Callei!!"-sigaw nito.

Napailing na lang ako. Tumingin ako kay Callei na ngayon ay nakatingin sa aming direksyon. Umiwas ito nang tingin nong napansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Kaharap niya ngayon ang 15 meters. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang balikat at unti unting pinakawalan ang pana. Sapol!

"Wooohooo! Go Callei!"-sigaw ulit ni Kurt, napailing na lang ako dahil sa ginawa niya.

Nahagip ng mata ko si Sashini na may hawak na banner na may nakalagay na letrato ni Callei at may GO BEST FRIED!

Bagay sila ni Kurt, pero ang bagay sa akin? Wala hindi pa bumabalik.

Callei Jace Francisco POV

Hapon na nung natapos ang laro namin. Naglalakad ako ngayon papunta sa Senior's Building habang hawak ang isang sobre na naglalaman ng aking pagmamahal.

Wala ngayon ang mga senior dahil wala silang pasok. Kaya tiyansa ko para mailagay ang sulat ko.

Nahanap ko ang kanyang locker at unti unting inipasok ang sulat ko.

To: Crush
Fr. CJ

Someday makakaamin rin ako, pero ngayon ganito muna. Kukulitin ko muna siya. Hihi.

Nagtatakbo ako paalis sa lugar na iyon habang may nakapaskil na ngiti sa aking mukha.

Success!

Kinabukasan

Kurt Vince Rugnao POV

" Bro ang dami niyan ah!"-sabi ko habang tumitingin sa ibaba ng locker niya. Nahulog kasi ang sandamak-mak na sobre.

Tumingin ako sa kanya, nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa purple na sobre? Talaga purple? Haha.

"Bago yan ah!"-sabi ko at saka madaling kinuha ang purple na sobre.

"Akin na iyan!"-sabi niya ngunit lumayo ako sa kanya.

"To: Crush
From: CJ"- basa ko, hahah.

"Haha Bro, bakla ata ang nagpadala nito CJ!"-natatawang sabi ko sa kanya.

Nalukot na naman ang kanyang noo. Napapailing ako at saka binuksan ang sobre. Isang kulay yellow green na papel ang nandon! Really? Yellow green naman ngayon? Maniniwala sana akong love letter ko kung pink to o di kaya red.

Bakit purple at yellow green to? Hindi kaya threat to?



-----------------------------------------------------


Chapter 4 already served

Have a great reading!

Follow me

Nov. 10, 2019

That Day She Find Her HappinessWhere stories live. Discover now