OJT 24

4.6K 51 7
                                    

OJT 24

Masarap ang tulog ko. Kinaumagahan at hindi ko agad minulat ang nga mata ko. Ganun kasi ako, pinakikiramdaman ko ang paligid at hinihintay na sipagin ang katawan kong bumangon.

Nararamdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Wala pa sana akong balak dumilat pero bigla kong naramdaman ang paghalik sa noo ko at paghaplos sa mukha ko.

Pagdilat ko ay isang nakangiting Austin ang bumungad sa akin.

"Good morning sleepyhead."

"G-good morning." nailang akong magsalita dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha na alam kong amoy nya na ang hininga ko. For pete's sake, kagigising ko lang. Nakakahiya!

Lumayo akong konti pero agad din niya akong niyakap para bumalik sa dati kong pwesto.

Doon ko lang napansin na nakaunan pala ako sa braso niya habang yakap niya ko. Ganoon parin ang suot niya pero mabango pa rin siya. How I really love smelling him.

Tinignan ko si Austin at akmang hahalikan niya ko ulit dahil palapit ang mukha niya sa akin pero tinakpan ko ng kamay ang mukha niya at tinulak ito.

"What's wrong?" Tanong niya habang nasa mukha pa rin niya yung kamay ko.

"Ano ka ba? Kagigising ko pa lang hahalik ka na agad? Kadiri to. Magtotoothbrush muna ko!" Sagot ko.

Babangon na sana ulit ako kaso agad naman niya kong pinigilan at dinaganan.

"Ano ba? Pabangunin mo nga muna ko kung gusto mong makahalik!" Naiirita na talaga ko. Unfair kasi, naamoy ko yung hininga niya, napakabango. Amoy mint pa rin pero yung akin hindi ko alam.

Pilit ko syang tinutulak pero ayaw niyang patinag sa ibabaw ko. Hindi ba siya naiilang sa posisyon namin? Gusto ba niyang halayin ko siya? Napakakulit, sinabing magtotoothbrush lang ako para maka-score na siya ayaw pa!

"You don't need to do that. I can have my kisses everytime I want and I want it now. Many, kisses."

Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya nun lalo na yung huling sinabi niya kasi naman sa tenga ko niya sinabi yun. Kinakagat kagat pa niya yung tenga ko. Gutom na ata tong isang to.Gago lang diba? kadiri pa, ayaw lang muna magtoothbrush talaga? Ni mumog ayaw?

"Eh umayos ka nga! Baka akala mo tap-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan na niya ko, sa lips. Pesteng yawa! Nakalimutan ko na yung pagrereklamo ko na hindi pa ko nagtotoothbrush or nagmumumog man lang. Nakalimutan ko na rin yung posisyon namin dahil nadadala ako sa bawat galaw ng labi niya.

Sino bang hindi eh parang pinanggigigilan na niya yung labi ko? Waaaaaa! Gusto kong tumili dahil sa ginagawa niya pero hindi ko magawa dahil nakapokus na lang ang utak ko sa bawat galaw ng labi niya.

Maya-maya ay gumapang ang labi niya sa pisngi ko papunta sa tenga hanggang bumaba ito sa leeg ko. Hindi ko na alam kung anong ginagawa niya pero nagtagal siya doon.

"Austin..." wala na kong alam sabihin kung hindi ang pangalan niya.

JesusMaryJoseph.

Isusuko ko na ba ang Bataan?

"Hmm?" Iyon lang ang tanging sinagot niya sakin. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o nae-excite ako sa posibleng mangyari.

Naramdaman kong gumagapang ang kamay niya papunta sa dibdib ko. Bigla akong matauhan sa nangyayari.

Hindi pa pwede.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw na ng dibdib ko.

Kinakabahan ako ng sobra.

"Austin."

On The Job TrainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon