OJT 23

5.3K 51 8
                                    

OJT 23

One week.

Yan na lang ang natitira sa sakin para matapos ang OJT ko.

Napapaisip tuloy ako kung paano ko susulitin ang mga natitirang oras para makasama si Austin.

Alam kong mahihirapan na kaming humanap ng oras para sa isa't isa dahil magiging busy na rin ako sa feasibility namin.

Balita ko pa naman ay mauubos ang oras mo kapag may feasib or thesis ka. Yan ang buhay graduating, dahil puro pag-aasikaso ng mga requirements ang kakain ng oras mo.

Kung pwede nga lang na puro OJT na lang eh, kaso hindi.

Sa paglipas ng mga araw, lalo ko siyang minamahal dahil na rin sa mga pinapakita niyang effort sa relasyon namin.

He's the one, I've prayed for. Bigay siya ni God at nagdadasal pa ako na sana ay siya na talaga. Ayoko talagang masaktan, yun ang isang bagay na kinatatakutan ko talaga sa lahat.

Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang sitwasyon. Ayoko ng maramdaman ang isang bagay na nalagpasan ko na.

"Hey," bumalik ang isip ko sa realidad mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman ko ang kamay ni Ellah sa balikat ko.

"Hmm," sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Nakahiga pa kasi ako sa kama at hindi pa ako lumalabas. I don't feel like doing anything except to stay in bed. Kanina parin ako nag-iisip at hindi ko alam kung anong oras na.

"May bisita ka?"

"Sino?" Walang gana kong sabi. Hindi ako nag effort na lumingon sa kanya. Alam kong alam ni Ellah kung bakit.

"Anong sino? Tinatanong kita kung may bisita ka ba?"

Naguluhan na ko kay Ellah, bakit niya ako tinatanong kung may bisita ako? Malay ko ba kung may dadalaw sakin.

"Aba malay ko." Umayos ako ng higa para makita din siya. Kumunot ang noo niya.

"Nagkakaintindihan ba tayong dalawa? I mean iisa ba ang pinag-uusapan natin?"

"Aba ewan ko sayo. Ano bang tinutukoy mo?"

Tumalikod na ulit ako sa kanya. Tamad na tamad talaga ako. Paano, simula ng umalis si Austin nung dinalhan ko siya ng tanghalian ay hindi na ulit kami nagkaroon ng oras. I mean, laging ngitian na lang ang nangyayari sa amin sa opisina. Tatlong araw na simula nun at hindi ko alam kung anong nangyayari.

Ni hindi na nga siya nakabalik ng office nung araw na iyon. I texted him to know kung anong nangyari pero kinabukasan na siya nakareply at ang iksi pa.

*She's fine.*

Wala man lang pangangamusta. Gustong gusto ko na siyang kausapin tuwing nakakasalubong ko siya pero hindi pwede. Madalas ay mga big bosses ang kasama niya or nagmamadali siya dahil may meeting sa labas.

Ayoko ng ganitong sitwasyon. Hindi niya ako sinasabihan kung ayos pa ba siya.

"May dalaw ka no? Sus. Pero may dalaw ka talaga. Nasa baba kaya tumayo ka na diyan."

Agad akong napatayo sa higaan ng maintindihan ko ang ibig sabihin ni Ellah.

Hindi kaya si Austin yun?

Dali dali akong pumunta para malaman kung siya nga ba dahil sobrang miss ko na siya.

Para akong tanga na nakangiti at super excited lumabas ng kwarto pero agad na nawala ang ngiti ko ng hindi ang taong inaasahan ko ang nadatnan ko.

It's Jarence.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Para namang hindi sobrang gwapo ang nakita mo ah."

On The Job TrainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon