OJT 22

5.4K 63 1
                                    

OJT 22

Hapon nang maisipan ni Austin bumalik ng Manila. Sabi ko agahan namin para makapagpahinga siya ng maaga dahil siya ang nagdrive.

Masaya ang ang naging byahe naming dalawa. Puro kwentuhan at tawanan. Marami rami rin akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi niya ipinaramdam na dapat akong mailang dahil konti lang ang nalaman ko. Sabi pa niya, we'll take time to know each other more.

I couldn't erase the smile plastered on my lips we stop in front of my apartment.Nauna siyang bumaba at umikot para buksan ang pinto sa side ko.

"We're here." Inalalayan pa niya ako sa pagbaba.

"Thank you."

Pinagmasdan ko ang ngiti niya at masasabi kong masaya ako dahil masasabi kong isa ako sa mga rason kung bakit nakangiti siya.

Naglakad kami hanggang sa gate ng hindi nagbibitaw ng kamay.

"Thanks for everything." I said to him.

It makes me wonder why God gave this man to me. Ang swerte swerte ko na nga na binigyan niya ako ng atensyon pero hindi lang iyon ang binigay. He made this man for me. Now, he's mine. He's my one and only boyfriend. I'm looking forward for our forever kahit alam kong walang forever.

"It's my pleasure. I want to make you happy whenever you're with me."

Napatango lang ako sa sinabi niya.

Madilim na, tanging ilaw na lang sa harapan ng apartment at ilaw sa poste ang nagsisilbing liwanag.

"Uwi ka na at magpahinga." I told him habang tinutulak ko siya ng bahagya pero hinahatak niya lang ang kamay ko palapit sa kanya kaya para lang kaming tanga na dalawa na naghihilahan.

"Gabi na kaya. You should rest."

Hinatak niya na akong tuluyan para yakapin.

"Let's do this again. Out of town, just the two of us." Sabi niya habang mahigpit na nakayakap.

I smiled at what he said. Sobrang saya na hindi ko alam kung saan ilalagay iyon kasabay pa nito ang sobrang lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko.

Tumango ako habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Maya maya ay inilayo na niya ko upang pumantay ng tingin.

"I'm glad we had some time alone. Looking forward to our next time, girlfriend." Sabay kindat.

Kinilig na naman ako. Nangisay na naman ang katawan ko at diretsong nahimatay sa sobrang kilig.

Joke.

Pero seryoso, kinilig ako ng sobrang. Kahit alam kong may pagka moody ang isang ito na minsan ay sweet at minsan ay hindi, okay lang. Sasamantalahin ko na lang ang pagiging sweet niya minsan.

Nanamnamin ko dahil baka bukas or sa makalawa ay masungit at suplado na naman ito.

"Goodnight," he said before giving me a quick kiss on the lips.

"Goodnight,"

Hinintay ko munang makaalis siya bago pumasok sa loob dahil alam ko namang tulog na si Ellah pero laking gulat ko ng makarinig ako ng isang tili pagkabukas ko ng pintuan.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!"

Napatakip ako sa tenga ko. Walang hiyang babae to. Hindi ko talaga mapapantayan ang boses nito sa lakas.

"Ano ba! Ang sakit sa tenga." Singhal ko.

Agad siyang lumapit sa akin at yinugyug ako na naging dahilan para mahilo ako. Naalog utak ko sa babaeng ito.

On The Job TrainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon