OJT 33

3.7K 70 9
                                    

OJT 33

Hindi ko alam ang sasabihin ko ng lumapit siya sa akin. What is he doing here?

"Bakit hindi mo papasukin sa loob ang bisita mo?" my mother asked. Tumango lang ako sa kanya at pinanuod lang ang pagpasok niya sa loob ng bahay.

Hindi ko maharap si Austin. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. At hindi ko alam kung ano ang kailangan niya.

"P-pasok ka." Nuutal kong sabi. Ayokong maging bastos kahit na puro sakit ang binigay niya sa akin.

Umiling lang siya. "Can we talk?" Mataman siyang nakatingin sa akin na parang ang dami niyang gustong sabihin. Pero hindi ko magawang tumagal sa mga tingin niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may magsalita galing sa loob ng bahay.

"Ate, pumasok na daw kayo sabi ni Mama, kakain na." Tinignan niya si Austin bago pumasok sa loob ng bahay.

Heto na naman ako at nakakaramdam ng awkwardness. Bakit ba kasi hindi? Kung kelan naman kasi wala na kaming relasyon ay saka sya makikilala ng pamilya ko. Ano pa connection namin? Wala ni isa except for the fact that he's my ex boyfriend.

Pumasok ako sa loob ng bahay na hindi inaaya si Austin. Bakit pa eh nakarating nga siya dito ng walang nag-iimbita but look, he's here. Feeling welcome sa aming bahay na parang hindi niya winasak ang puso ko.

Kapal ng mukha.

Pero bakit ganito na lang ang kabog ng dibdib ko? Masyadong mabilis na kinakabahan ako sa presensya niya?

Dumiretso na ako sa loob ng hindi siya nililingon. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko ang kapatid kong nanunuod pa ng T.V.

"Akala ko ba ay kakain na? Bakit nanunuod ka pa dyan?" sita ko sa kanya.

Sumimangot lang ito sakin. "Tatapusin ko lang ito, ate." sagot niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata, "at saan mo natutunan na pinaghihintay ang pagkain?" inis na sabi ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumabi sa akin si Austin at pinanuod kami ng kapatid ko. Nakasimangot na tinignan ako ng kapatid ko. Tinignan niya din si Austin bago napakamot sa batok at tumayo. Pinatay niya ang T.V saka dumiretso sa kusina.

Susunod na sana ako sa kapatid ko ng maramdaman ko ang hawak ni Austin sa braso ko. Hindi ko siya tinignan at ayoko rin naman siyang kausapin. Hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto niyang pag usapan namin para mag-effort pa siya na pumunta dito. Akala ko malinaw na ang lahat sa kanya dahil siya naman ang nagdesisyon noon.

Hindi ako umimik, hinintay ko lang siya na magsalita. Hindi ko rin kasi maintindihan bakit gusto niya akong kausapin. Mag-eexplain ba siya? Bakit pa? May magbabago ba kung pakikinggan ko siya ngayon gayong binalewala na niya ako noon.

"I'm sorry.." that's what he said.

Hindi ko alam kung para saan iyon. Ito na namin kami sa sitwasyong ito.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Kakain na, hindi pinaghihintay ang pagkain sa pamamahay na ito."

"Please.." he added.

Pumikit ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. I love him pero ayokong maging ganoon kadali ang lahat. Hindi pwede kung kailan niya gustong puntahan ako ay saka lang siya nandyan to give me his tine and attention. I'm selfish and I want all of him to be mine. Only mine.

Hindi ko siya sinagot. Pagkadilat ko ay dumiretso na ko sa kusina. Alam kong sumunod siya dahil ramdam ko ang foot steps niya.

"Kumain na kayo. Hmm, dyan ka na umupo sa tabi ni Bliss, hijo."

On The Job TrainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon