"Infairness, dito pa sa resort na ito. Ginto yata ang value ng pagtakap ng paa natin dito."

"Nakita niyo ba yung sign post ng manmade hot spring? I wanted to try it."

"Really! Meron dito?"

"Oh yes, dear. Malinaw sa mata ko ang pagkakabasa."

"Me, I wanted to explore their big lagoons and fishponds."

Lumapit ang ina ni Star. "Moon, where's Sophia?"

Sinabi ang memoryado ng isip, "Hindi niya maiwanan ang trabaho ngayon. We will make it up next time, Tita," bilang malinis na sagot.

"Oh, sayang naman. Then, enjoy the place, Moon." Saka tumalikod pagkatapos ng tipid na usapang ito.

Ganito ang parte ng isang katulad ko sa pamilyang ito.

💛💛💛

DARK ROOM

Konting liwanag ang sumilay sa paningin pagbukas ng mga mata. Sa mabilis na segundo ay naalala ang nangyari.

I pose to strike.

"Relax, Sophia."

Si Frances, katabi si Sapphire na kumakain ng mahabang tsokolate. Sa likod nila si Acelus na may hawak na rubix cube. Parang walang ginawa sa akin.

"Bakit ako nandito?"

"Pahingi ng oras mo."

"Bakit kailangan pa akong patulugin?"

"Para wala ka ng kawala."

Umupo ako sa harapan nila, pamilyar sa akin ang kwartong ito. "Saan tayo?"

"Cruise ship, here in our resort."

"Anong gagawin?"

"Mission."

"Akala ko vacation," bored kong sabi kahit naalalang isa ito sa mission bago matapos ang taon. Kabilang pala ako dito.

"Nearly like that."

Panibagong klaseng matamis na naman ang nasa bibig ni Sapphire.

"Marami akong naiwan na gawain." Pumasok sa isipan ang mga responsibilidad.

"Nagawan ng paraan nila Peridot at Lu Won ang sa mother mo. Ang business ay si Wayne ang bahala," sagot ni Frances.

Baka bumagsak at pagbalik ko ay wala ng maabuta. "Okay," pumayag dahil may tiwala ang sarili sa mga ito.

May cellphone na lumilipad papunta sa pwesto. Nasalo ng kamay dahil sa reflex.

"Baka nag-aalala ang asawa mo," sabi pa ng may malamyos na boses.

Lagot ito sa akin mamaya. Pwede naman akong sumama nang hindi inaalisan ng malay.

Itinapon ko pabalik sa kanya ang cellphone, kahit hindi nakatingin ay nasalo pa rin.

"Wala akong maisip sabihin." Dahil tinapos na ng lalakeng iyon ang lahat. Bumalik ang nararamdam mula sa saglit na pagkalimot.

"Kawawang asawa," mahinang sabi ni Frances.

"He wants to annul our marriage," inilabas ang totoo. Pati ang totoong nararamdaman sa mga kaibigan. "I did not insist to get the lollipop."

Tumigil sa pagsubo ng matamis si Sapphire. Lumabas ang ngisi sa mga labi nito nang makuha ang ibig sabihin. "A respect to his decision?"

Ganoon na nga. "Yes."

Tumabi si Acelus sa kinauupuan. "Kaya pala malamlam ang mga mata mo, Sophia. Now, I know. May pinagdadaanan ka pala."

BOOK 2 - SERENITYOnde histórias criam vida. Descubra agora