CHAPTER 21

125 9 0
                                    

AT THE BED

Pinahiran ng daliri nito ang gilid ng labi ko. Sa simpleng gawi ay nagugustuhan iyon. "Sige," ang pagpayag ko para seryosohin ang kasal na ito.

"Ang apartment ko ang pansamantalang titirhan natin.

Napatango dahil kakaiba na ngayon ang nararamdaman. Parang panibagong mundo ang papasukin at hindi alam ang mangyayari pero gusto subukan.

"Magtatabi na tayo matulog... kagaya ng sinabi mo dati."

Kagaya ng sinabi ko? May humaplos sa loob ng puso sa narinig. Ang tinutukoy ba ay, "Ayos lang ba sa iyo?"

"Ang matulog lang ng magkatabi? Nabanggit mo noon, sa lahat ng lalake ay ako lang ang walang gagawin para may mangyari," huminga ng marahas, "bakit mo iyon sinabi?"

Panibagong tanong. "Dahil wala kang interes sa akin?" Naalala ang pagtanggi nito at pag-iwas noon. "Sinabi mo iyon."

Sunod ay katahimikan. Habang kumakain, ang pansin ay nalipat sa makikislap na ilaw sa labas ng bintana. Nakaramdam ng antok pagkatapos ng ilang sandali.

"Paano kung bawiin ko ang mga sinabi ko?"

"Ang alin?" Tanong ko agad.

"Na wala akong interes at hindi kita aangkinin."

Kung tungkol sa bagay na iyon, "Ikaw ang bahala," ang tanging nasabi.

"Ayos lang sa iyo na angkinin kita ngayon gabi?" Diretso ang mga salitang nakakapaso kahit ang titig.

Kahit ang brasong pumaikot sa katawan ay kakaiba sa pakiramdam.

Niyakap ko rin ang malaking katawan niya at sadyang hinawakan ang nababalutan ng benda. Kita sa mukha ang pagbahid ng kirot habang ngiti ang balik ko sa nasasaktan nitong anyo.

Humiwalay nang may masamang tingin, parang batang inagawan ng matamis.

"I know you are crazy about me," pagbibiro ko sa katotohanan.

"Then?" Halos gustong sakupin muli ang matamis. Hindi ipinagkakaila ang pagnanais.

"I am flattered."

Tumigil, saka umiwas ng tingin. Mas sa pagkain na ang atensyon at tinapos. Hinayaan sa biglang pananahimik dahil hindi mahilig manira ng privacy.

Pinagtulungan ligpitin ang kalat sa lamesa. Pagkatapos ay hinanda ang pamunas para sa katawan ng lalake. Nagpadala sa agos nang tulungan ko siya sa loob ng comfort room at hinubaran nang maingat.

Ikalawang beses ito, ang makita ang hubad nitong katawan pagkatapos alisin ang pang-itaas na damit. Marahan pinunasan ng malinis na tubig ang malapad na dibdib, pababa sa mga umbok sa bahagi ng tiyan. Gusto itapon sa tabi ang pamunas at ang sariling palad ang pumalit. Napangiti sa naisip.

Natapos sa itaas na bahagi habang pigil ang sarili. Nang tangkain alisin ang pang-ibabang saplot ay napigilan ang kamay ko.

"I will be crazy if you continue on that part."

Kinuha sa kamay ko ang pamunas.

"I will finish the rest."

Sumunod dahil iba na rin talaga ang sariling pakiramdam at mga naiisip. Lumabas at pinagtuunan ayusin ang higaan. Nang matapos ay piniling manood ng balita. Humarap sa telebisyon at pinili sa kilalang network. Totoo nga ang hinala, nasa balita ngayon ang nangyari dito sa isla. Pangunahin ay tungkol sa black diamond, sumunod ang katauhan ng napangasawa ng pinsan ni Moon. Naka-detalye ang ilan sa nabanggit kanina ni Atmos. Naipalabas din sa balita ang nakuha nilang video, ang iniwan ni Acelus. Ang nakapaloob sa video ay ang paglapit ng babaeng nakasuot ng itim sa groom at nang kinuha ang singsing.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now