CHAPTER 8

104 6 0
                                    

OUTSIDE

Ang mga nangyayari ay lahat hindi kagustuhan at nagugustuhan. Nagpapadala ngayon sa agos ng paligid.

Napatiimbagang sa naisip, dahil din sa pakiramdam sa loob. Gustong takasan ang lahat at bumalik sa dating buhay na malaya.

"Good idea."

Tumitig sa katabi, ang hindi mabasang ugali ng naging asawa ngayon ang isa pang napapansin. Hindi mabasa kung ano ang nais nito. Nagsasaya ba dahil ayos lang ang nangyayari o parehas din ayaw at nasusuklam sa ganito. O walang pakialam?

Sa nakikitang anyo ng maganda nitong mukha ay mas malapit ang huli. Kung ganoon ay ipapakita rin dito ang katulad nang naiisip.

Nagpatuloy sa agos ng kalakaran ng kasal. Ang kamay na kanina pa hinahawakan ay hindi pinapakawalan bilang pakita sa dalawang panig ang pagtanggap ko sa okasyong ito.

"Moon, get to know her better. She seems so silent, but she has an amazing personality inside," bulong ng ginang ng Ken sa pagbibigay ng yakap bilang paalam.

Ngumiti dito. "I will find out," nang may saradong isip.

Ang ibang kapamilya ay walang salitang ibinigay pa lalo ang Lolo, mas prayoridad ng mga ito ang pamilyang Ken.

Nagsisialisan ang lahat. Unti unting naubos ang mga tao sa paligid hanggang ang mga nagsisiayos ng mga natirang kalat ang naiwan.

Naghiwalay ang pagkakahawak ng mga kamay nang magsimulang maglakad ang babae paalis. Sumunod dito, ang daan ay papunta sa villa.

"How's your day, my dear wife?" Sa walang pakiramdam kong tono.

Wala ni isang salita ang balik.

"Are you happy?"

Ganoon pa rin ang balik.

"Do you like it? Our marriage?"

Bago makapasok sa nakabukas na pinto ng villa ng humarap ito. Sa malapit na distansya, dumaan muli sa ilong ang mabangong amoy, akala ay immune na.

"I told you..."

Lumapit pa lalo.

"I like it."

Hindi akma ang sinabi sa sinasabi ng mukha.

"And let's do it later."

Napakunot noo sa narinig.

"And that is now."

Sa mabilis na pangyayari ay natagpuan ang sariling nabigla sa pagdikit ng mga labi nito sa akin at ang sariling tugon ng katawan. Yumuko para suportahan ang pagkakadikit habang ang isang braso ay sa likod nito. Sa pagkakadikit ng malambot nitong labi ay hindi mapagkukunwaring nagugustuhan ng katawan. Hinawakan ang likod ng ulo nito para diinan ang lahat. Nilasahan ng sarili kung anong mayroon at mas lalo nagustuhan iyon.

Mas lalo pang tumindi ang pagnanais ng pakiramdam nang maramdaman ang kamay na dumaan sa balikat papuntang dibdib.

"Oops!"

Naghiwalay ang lahat. Hindi na kailangan hanapin ang narinig dahil nasa harapan iyon. Ang tatlong pinsan ang nakatayo mula sa loob malapit sa pintuan.

Sa kabila ng hindi inaasahan, ang isang kamay ng kaharap ay yumakap paikot sa bewang ko saka lumingon sa likod nito. May dumaang pagnanais sa katawan dahil doon at pinigilan mapahugot ng malalim na paghinga kahit kanina pa nangangapos.

"So sorry we interrupted you! We were only taking a walk before we left," depensa ni Atmos.

"Sorry sa inyo sa abala." Nagbigay ng signal si Earth sa mga kasamang umalis na agad.

BOOK 2 - SERENITYWhere stories live. Discover now