Hinawakan ulit ni Rus ang balikat ni Jace at ini-squeeze ito kaya naman napatingin si Jace sa kanya.
"Malalate yata sya ng dating pero dadating yun." sabi ni Ven habang nakasilip sa audience mula sa back stage kung nasan sila ni Rus.
"Jace, your on in 2." tawag ni crew kay Jace mula sa gilid.
Tumango si Jace bilang tugon at tumingin kayla Ven at Rus.
Muli na namang kinabahan si Jace at kitang kita nila Ven at Rus ang kaba sa mga mata ni Jace.
"Hey, your gonna be fine. Okay? Remember don't think about it. Just feel every lyrics of your song as if kinakanta mo yun sa taong pinag alayan mo ng kanta mo." sabi ni Ven kay Jace habang nakatingin ito sa mga mata niya.
Napapikit ng maraming beses si Jace sa sinabi ni Ven pero bigla naman itong napangiti at tumango.
Kaya ngumiti din sila Ven at Rus sa kanya. Tinapik ni Rus ang braso ni Jace."Goodluck! Fighting!" sabi ni Rus sa kapatid niya.
Tumawa sila at hinawakan ni Ven si Jace sa ulo para ibaba ito at hinalikan niya ang noo ni Jace.
"Go get 'em!" sabi ni Ven habang nakangiti. Nilabas naman ni Jace ang bunny smile niya.
Nakaupo na sa harap sila Rus at Ven. Nang matapos ipakilala si Jace. Namatay ang ilaw at nagsigawan ang lahat habang nagpapalakpakan.
Nagsimulang tumugtog ang intro ng euphoria nagsimula na ding sumayaw ang mga dancers at maya maya pa ay lumabas na si Jace.
Nagsigawan ulit ang mga tao. Mas malakas ang sigaw ni Ven ng magsimula ng kumanta si Jace.
Lumingon si Jace kung saan nakaupo sila Ven. Bigla syang nakaramdam ng lungkot dahil may bakanteng upuan sa tabi ni Rus kung saan dapat nakaupo si Ile.
Pero pinagpatuloy parin ni Jace ang pagkanta at pagsayaw.
Naririnig ni Jace ang mga sigawan at pangalan niya na sinisigaw mula sa audience pero hindi iyon mahalaga sa kanya ngayon.
Kailangan niyang makita si Ile dahil unang una, ginawa niya ang kantang iyon para kay Ile. Pangalawa, alam niya na pag nakita niya si Ile lalo syang magkakaroon ng confident at lakas para mag perform.
Pero pag tingin niya ulit sa gawi nila Rus wala parin si Ile.
Take my hands now...
Napatingin ulit sya sa gawi nila Rus ng makita niyang tumatakbo palapit sa upuan niya si Ile at umupo ito habang hinihingal at nagtama ang tingin nila.
Ngumiti ng malaki si Ile ng makita niya si Jace na nagpeperform na.
Nang makita ni Jace si Ile na umupo at ngumiti ng malaki sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya pero in a good way.
Nandito na sya. Sabi ni Jace sa isip niya.
You are the cause of my euphoria...
Pagkanta ni Jace habang nakatingin kay Ile.
---
Nagbow na si Jace at tumakbo papunta sa backstage.
Nagpupunas sya ng pawis ng may kumalabit sa balikat niya.
Pagharap niya nakita niya si Ile na ang laki ng ngiti.
"Congratulations! Ang galing mo!" sabi ni Ile kay Jace habang pumapalakpak.
Ngumiti ng malaki si Jace at biglang niyakap si Ile.
Nagulat si Ile pero kalaunan ay niyakap din niya ito. "Proud ako sayo." sabi ni Ile habang magkayakap parin sila.
YOU ARE READING
The Playlist
FanfictionBangtan Arts University ay school for aspiring artists na gustong maging sikat na performer at idol. At dito nag aaral sila Haven, Seth at Rusell na pangarap maging isa sa well-known artists. Hindi lang susubukin ang galing nila bilang artists kund...
Final Performance Part 2
Start from the beginning
