Chapter 25

88 25 0
                                    

Chapter 25: Busted

Zack picked me up after work. Pumunta kami sa restaurant ni Maze at natawa na lang siya bigla. Kumunot ang noo ko hanggang sa napansin kong naroon din pala kumakain si Elise at Jax at Divine at Matt. Lumabas si Andrew mula sa kusina at saka napailing na lang. Umupo kami ni Zack sa bakanteng upuan at saka mabilis na umorder dahil kabisado naman namin ang menu nila.

"Zack.." I called when a thought came on my mind.

"Hmm.." he murmured as he snaked his arms around my waist.

"How did you know I was waiting for my date back then? Noong nagkita tayo sa cafe." Takhang tanong ko. Naalala ko kasing Alfred ang pangalan ng ka-blind date ko at hindi alam nila Divine na si Zack ang sumipot sa akin bago ko pa sinabi.

"Hmm, why do you want to know?" Tanong niya.

"Just curious." I shrugged.

Tumaas ang gilid ng labi niya at saka hinalikan ako sa labi. It was fast. Parang dampi lang iyon.

"I heard Matt talking to Divine on phone about your so-called blind date.." Dumilim ang paningin niya kaya nakaramdam ako ng kaba. "For some reason. I felt possessive and territorial. No, I won't let you date anyone else but me. Ako lang ang lalaking may karapatan na makasama ka buong araw."

"So, you liked me since then?" Gulat kong tanong.

"I like you since the day I met you. Hindi tulad ng iba, you can throw tantrums at me. Kaya mo akong tarayan at banggain kahit kailan mo gusto." Agad na nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. "Mas lumalim ang nararamdaman ko sayo noong nakita kita sa mall kasama ang pinsan ko. You grew beautifully. Hindi ko inaasahang magiging ganito ka kaganda."

"That's why when I heard about your blind date, I searched for Alfred, Matt was talking about. I had sources that made it easier for me. Noong araw na iyon, nakipagkita ako sa kaniya at binayaran siyang huwag kang siputin sa date niyo at huwag na huwag magpapakita sayo. Hindi ako makakapayag na makasama mo ang lalaking iyon." Napasinghap ako dahil binayaran niya pa si Alfred para lang makasama ako. Am I that special for him? Tumitibok ng malakas ang dibdib ko nang yakapin ako ng mahigpit ni Zack.

"I'm the only one who can do this to you." Aniya.

"And this." He kissed my forehead. Napapikit ako at dinama iyon.

"And this." He kissed the tip of my nose

"And this." He kissed my cheek.

"And most definitely this." He kissed me. Ang akala ko ay dampi lang iyon pero pinalalim niya ang halik. He's claiming every corner of my mouth with tongue. At para akong nadedeliryo sa sarap ng nararamdaman. Halik niya pa lang ay parang sasambahin ko na ang buong pagkatao niya. Damn, I would die to get his kiss!

May tumikhim sa tabi ng table kaya natigil ang halikan namin. Nang sulyapan ko iyon ay nakataas ang kilay ni Maze na nakatingin sa amin habang nilalapag ang pagkain namin sa mesa. Nagtago ako sa likod ni Zack sa sobrang hiya.

"Kung maglalaplapan lang kayo, idedeliver ko na lang ang pagkain niyo sa hotel room niyo. May mga bata akong customer dito." Ani Maze.

Narinig ko ang impit na tawa ni Zack doon kaya mas nahiya ako. "Thanks, Maze." Aniya.

Nang makaalis si Maze ay lumabas na ako sa pagkakatago. Paniguradong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Nakangiti si Zack na tumingin sa akin at saka pinisil ang pisngi ko. Napanguso na lang tuloy ako. Sinubuan ako ni Zack kaya ngumanga ako agad. Sobra sobra na ang kilig ko ngayong araw.

I was about to the same to him when the door slammed open and there came Selena who's furiously mad. Nang tumama ang tingin niya sa table namin ay agad siyang nagmartsa sa amin palapit.

Built Specially For YouWhere stories live. Discover now