Chapter 11

89 23 3
                                    

Chapter 11 : The date

Hindi ko alam kung paano ako nakumbinsi ni Zack na sumama sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang restaurant kung saan maraming dessert. The colorful frosting at the top of each muffin is blessing to my eyes. The sweet fragrance of the ice cream is filling my nose. I can't help but create a huge smile. It's like entering the heaven I dreamed of.

The attendant lead us to our table and gave us a book of their products. Halos tumulo ang laway ko sa mga pictures na nakikita ko. Parang kahit titigan ko lang ay mabubusog na ako. How come I did not know of this place?

Tinignan ko si Zack na tahimik akong pinapanood. Umayos ako ng upo at saka umubo. Tumaas ang isa niyang kilay dahil sa ginawa ko.

"Bakit tayo nandito?" I asked, hiding all the excitement I'm feeling. Hindi ko alam na mahilig sa matatamis si Zack? Mukha naman hindi..

Tinignan ko ang kapaligiran. The place is covered with pink, blue, and purple colors. It's all girly for a man this masculine like him. There is a huge chandelier above and the curtains are designed specially for the likes of women.

"You're not hard to predict. Women like you has a soft heart for cupcakes." Sagot niya. Kinagat ko ang labi ko at parang nahiya.

Women like me. Ibig sabihin ay nakaranas na siya ng iba't-ibang babae. Hindi ko siya deretsong matignan kaya binaling ko ang atensyon sa naglalarong mga daliri.

Of course, Pia! The likes of him surely experienced different women. He is a well known businessman in his industry. Paniguradong marami ang nahuhumaling sa kaniya na mga katrabaho o di kaya'y mga nakikilala sa club. Given that he surpasses a lot of men when it comes to appearance and professionalism. That is his world. He belongs to a world full of luxury. World that I don't fit in.

The feeling I felt from earlier came back. Nalungkot ako.

"What do you have in mind?" Bumalik ang utak ko nang marinig ang malalim niyang boses.

Nahihiya sa iniisip ay umiling ako agad. Tinagilid niya ang utak ko na para bang sinusubukan akong basahin. Ngumiti lang naman ako at saka humanap na ng kakainin.

He ordered waffles, crepe and an orange juice. Ako naman ay cupcake at smoothie lang. Bago umalis ang attendant ay humingi siya ng dalawang baso ng tubig. I don't know why I feel so shy in front of him. This is not me.

"You've been looking for boys for a while now. May nahanap ka na ba?" Tanong niya na may halong irita sa tono. Ngumuso ako bago ko pa mapadugo ang labi ko kakakagat.

Paano niya nalaman 'yon! Is it because of Matt?

Ngayong sinabi niya iyon, naalala ko ang kaibigan na sinasabi ni Divine. Siya ba iyon? Ang gustong makipagkita sa akin? Uminit ang pisngi ko sa naiisip. Zack has a connection with Divine because he is Matt's cousin kaya hindi malabong siya nga ang tinutukoy niya! Ito ba ang rason kung bakit hindi sa akin sinasabi ni Divine ang pangalan ng lalaki? Halos sumabog ang utak ko kaiisip. Muntik ko pang makalimutan ang tanong ni Zack sa akin.

Umiling ako. "Pumapayag pa naman akong makipagdate."

Umigting ang panga niya pero tumango naman siya doon. Umawang ang labi niya para magsalita ulit pero inunahan ko na siya. Natatakot ako sa mga posibleng itanong niya sa akin.

"Galing ka sa trabaho?" Tanong ko. Tinignan ko ang polo niyang pormal na pormal ang dating kapag siya ang nagsuot.

"No.. Galing ako sa condo pero dederetso ako sa trabaho pagkatapos." Sagot niya. Kinagat ko ang labi ko.

Hindi kaya ay nakakasagabal lang ako sa kaniya? Baka naabala ko pa siya!

"What do you want to do for today?" He asked while attentively looking at me.

Built Specially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon