Talo

5 1 0
                                    

       Patuloy ang takbo ko. Kahit na hinihingal na tinitiis ko pa'rin ito. Hindi ako pwedeng matalo sa labanang 'to. Alam kong dito nakasalalay ang kinabukasan ko.
        Nang makakita ng isang malaking gusali. Tumakbo ako papasok at nagtago. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Pero kailangan kong harapin ito. Huminga ako ng malalim, sabay sabing 'Kaya ko 'to'.
       Hinarap ko sila, kasabay nun umalingawngaw ang putok ng baril at ang paglitaw ng mga salitang 'game over'.

-Dandanie_Grass

Koleksiyon ng mga DagliWhere stories live. Discover now