Ako

10 1 0
                                    

Magandang araw sayo. Kung hindi mo ako nakikilala hayaan mong ilarawan ko ang sarili ko.
Ako nga pala yung palagi mong sinasaktan. Yung palagi mong kinukunan ng iyong pangangailangan.
Ako rin yung taga-salo ng lahat ng iyong masamang ginagawa. Hindi ka nga natatakot na baka ako'y tuluyang mawala.
Ibinigay ko sayo lahat. Pero hindi pa ba sapat? Kulang pa ba lahat?
Wag mo namang hintayin na ako'y mapuno. Wag mong hintayin na magsawa ako. Pakiusap pangalagaan mo naman ako.
Alam mo na ba ang aking pangalan? Kung hindi pa, ako nga pala si Inang Kalikasan.

-Dandanie_Grass

Koleksiyon ng mga DagliWhere stories live. Discover now