Hindi Maari

10 1 0
                                    

Isa lang akong ordinaryong tao. Pero nagbago ang lahat nang ika'y makilala ko. Naging inspirasyon kita. Iniisip ka hanggang umaga. Minahal pa nga kita.
Sabi nga nila isa itong pagpapakatanga. Pero aking binalewala. Kasi mahal kita at yun ang mahalaga.
Tumagal ng ilang taon ang pagmamahal ko sayo. Ewan ko ba, pero hindi naman ako makaamin sayo. Sinubukan ko naman. Pero hindi mo naman maintindihan. Kaya ito nanahimik na lang.
Paano mo ba naman kasi ako magugustuhan?
Ipinangak kang isang idolo. Habang ito ako, isa lang tagahanga mo.

-Dandanie_Grass

Koleksiyon ng mga DagliWhere stories live. Discover now