Pagwawakas

8 1 0
                                    

 

Kasabay ng pag-ilaw ng paligid ay ang pagluhod mo sa harap niya. Hindi ko maiwasang wag maluha sa sobrang saya. Kaya nang magtanong ka, napatango-tango siya  at niyakap ka.
Ang saya sa inyong mga mata, habang kayo'y magkayakap ay isang patunay na nagmamahalan kayong dalawa.

Naglalakad siya sa magarbong kulay pulang tela. Habang ikaw hindi maiwasang maluha habang hinihintay siya. Bigla akong napanatag, namamalabis rin ang luha sa aking mata sa sobrang saya. Sa wakas, kayo na talaga ang para sa isa't-isa.
Napabuntong-hininga ako,sabay sarado ng librong binabasa ko.

-Dandanie_Grass

Koleksiyon ng mga DagliWhere stories live. Discover now