ikalawang kabanata

Start from the beginning
                                    

Huwaw, ang galing! Naaalala ko pa naman pala ang mga nabasa ko!

Anyway, dumaan sa Pasig Cathedral ang lahat ng miyembro ng pamilya ko mula pa raw n'ung 1573. Binyag, kumpil, kasal, misa bago ang libing, ganern, bago iderecho sa katabing sementeryo.

Ako nga d'yan din bininyagan at kinumpilan. At kung pagpapalain ni Lord, malamang d'yan din ako ikasal, at malamamg... Ay, teka! Saka na 'yung misa para sa patay! Huwag morbid.

"Besh, sa palagay ko talaga, dito talaga ako nakatira n'ung past life ko," sabi ko kay Tria, not for the first time. Pareho kasi kaming naniniwala sa reincarnation. "Parang pamilyar 'yung idea na gigising ako sa umaga 'tapos binubuksan na n'ung lady's maid ko 'yung mga bintana, at ito mismo ang view na makikita ko."

"So feeling mo ikaw si Rosario?"

"Malamang! Alangan namang ako si Francisco!"

Nagkatawanan kami.

"Eh paano 'yun, di ba halos modern na 'tong mansion dahil 1930's na 'to natapos itayo? Eh di pa 1740's nga ba 'yung setting mo?"

"1743 ko gusto pero hindi pa naman 'yun final. 'Tsaka siguro naman may ibang nakatayo rito na bahay. O kung wala man, ako na lang ang maglalagay. Creative license na lang, besh."

"Sabagay," sabi ni Tria. Saglit siyang natahimik at huminga nang malalim. "Ano kaya talaga ang hitsura nito noon ano?"

"Gusto ko nga rin talaga makita. May kilala ka bang may time machine?"

Muli kaming tumawa.

Madalas inaabot kami ng closing time ng museum. 'Yun sana ulit ang balak namin pero nag-ring ang phone ni Tria. Nalukot ang mukha niya at sinagot niya ang kapatid niyang si Dio.

"O, Dio?... Nasa museum... ano?... Okay ka lang? Ba't di na lang kayo magpa-deliver?... O eh ba't di na lang ikaw ang lumabas?... Susko naman, Desiderio! Maglalakad ka lang hanggang Rotonda!"

Nagpigil ako ng ngiti kasi parang alam ko na kung ano ang pinag-uusapan nilang magkapatid.

"Ilibre mo ako ng Champ! 'Tsaka large fries at sundae!... Ano'ng gagawin ko sa 'yo pag di mo ako binayaran?"

Sabi na eh.

"Fine, oo na. Mamaya, pag-uwi namin ni Babsie... Mamaya na nga!" gigil niyang sabi sa phone. "Oo na! Fine! Lab you too."

Noon na ako natawa. Gan'un kasi silang magkakapatid.

"Paano, uwi na tayo?" tanong ko nang ibalik niya ang telepono niya sa bag niya.

"Alam mo, hindi na. Ako na lang ang mauna. Akala mo kasi mamamatay na sa gutom si Desiderio kung magsalita eh. Pero ikaw, maiwan ka na muna rito. Kasi sa palagay ko kailangan mo ng alone time dito para mas mapag-isipan mo 'yang manuscript mo. Sa palagay ko gumagana ang utak mo rito eh."

"Okay ka lang mag-isa?" nag-aalala kong tanong.

"Hayaan mo, Mommy. Di ako sasakay sa strange cars. Di ako makikipag-usap sa strangers. At dederecho po ako ng uwi pagkagaling ko ng Jollibee."

Tumawa ako at tinulak siya palayo. "Sige na nga!"

"Basta mag-muni-muni ka lang d'yan. Channel mo si Rosario, 'tapos videochat tayo mamaya pag-uwi mo."

"Okay. Ingat ka. Bukas na lang kita ililibre ng lunch pagkasimba natin."

"Hindi ako tatanggi d'yan." Bineso niya ako sa isang pisngi, 'tapos ay kumaway na si Tria at naglakad na pabalik sa hagdan pababa. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa simbahan.

This World Where You ExistWhere stories live. Discover now