Prologue

19 1 0
                                    

  - Don’t talk, just act. Don’t say, just show. Don’t promise, just prove.

Sa dinami dami ng nangangarap sa mundo isa ako sa mga maswerteng taong yon, sabihin man nilang ambisyosa ako wala akong paki doon kasi wala namang masamang mangarap

Masama na ba kung mangarap ako ng bonggalong bahay, nakahilerang sportscars at mga negosyong pagmamay-ari ko? aminin mo ganoon din ang pangarap mo simula pagkabata? ako kasi ganoon ehh bata pa lang ako gusto ko nang maahon sa hirap ang pamilya ko at makatulong sa kanila di ako katulad ng ibang babae dyan na puro paglalandi ang inaatupag samantalang hirap na hirap na nga yong mga magulang nila para maibigay lang ang gusto nila..

bato bato sa langit! tamaan wag magalit! haha

Ako si Alexandra Xen San Jose, labing anim na taong gulang na ako at nag-aaral sa isang hindi kilalang pampublikong paaralan sa lugar namin nakatira ako ngayon sa tiyuhin ko dito sa Bohol kasi pinamigay daw ako ng parents ko, hindi ko alam kong bakit nila ako pinamigay pero parang alam ko na pala isa lang naman ang dahilan dahil sa hirap.

Ang tiyuhin kong si tito Carlito siya na ang nag-alaga sa akin simula pagkabata isang buwan pa daw ako ng ipamigay ako sa kanya kaya parang anak narin ang turing niya sa akin

Pinalaki naman niya ako ng maayos at pinag-aral din, fourth year high school na ako this year running for valedictorian kaya naman proud na proud sa akin ang tito ko pero papa talaga ang tawag ko sa kanya, wala na siyang asawa kasi namatay ito noong apat na taong gulang pa lang ako pero nag-asawa ulit siya at yon ang santa santita ng buhay namin at siya ang dahilan ng paghihirap ko ngayon ang impaktang si Petra!! oo bagay na bagay talaga sa kanya yong pangalan niya kasi mukha siyang maligno ayy kabayo pala haha

Pero hindi talaga Petra ang pangalan niya binansagan ko lang ng petra kasi impakta talaga ang bruhildang yon Patrisia talaga ang pangalan niya pero di naman bagay sa kanya kaya binansagan ko nalang ng petra muahahaha

Kasalukuyan akong working student ngayon kasi di na kaya ni papa tustusan lahat ng pangangailangan ko kasi andaming luho nang impakta niyang asawa di naman matanggihan ni papa kasi konting lambing lang sa kanya bibigay na agad although nagbibigay parin naman si papa sa akin kaso tumatanggi ako kasi may pera naman ako kasi nagtatrabaho ako sa gabi sa isang bar sa lungsod but don't get me wrong hindi ako yong iniisip mo na nasa bar isa akong singer for your information

May tiwala naman sa akin ang papa ko kaya pinayagan niya ako na magtrabaho doon bilang singer

Si manager Rey ang nagpapasok sa akin doon noong pumunta siya sa school namin at timing naman na may event kami tapos isa ako sa mga performer at doon niya na discover ang aking angelic voice charroot haha pero simula noong marinig niya akong kumanta ay inanyayahan na niya akong kakanta sa bar niya at pumayag naman ako agad syempre its my time to shine divahh?? at naghahanap din talaga ako ng rakit noong time na yon

After ng klase ko ay uuwi pa ako para gawin ang mga iuutos ng impakta at around 6:30 ay pupunta na ako sa lungsod kasi 7:00 magsisimula ang schedule ko, actually 7-10 talaga pero hindi naman ako straight na kakanta dyan! jusko naman mamamaos na ang lola niyo nyan! may mga kasama din naman ako at palit palitan kami sa pagkanta.

Actually tatlo kaming kumakanta doon may dalawa pa akong kasama si Jeho at si Rocky they are my frienimies, friend pero magka away minsan, mas matanda sila sa akin ng dalawang taon, pero nagkakasundo din naman kami sa maraming bagay

Gaya ko, hirap din sila sa buhay mas maswerte pa nga ako kasi nakapag aral pa ako, sila kasi nag stop na, sila na kasi ang bumubuhay sa mga pamilya nila, ang mama ni Jeho ay may sakit samantalang ang papa niya naman ay iniwan sila at may iba na itong pamilya, may isa pa siyang nakababatang kapatid na nag-aaral kaya kailangan niyang kumayod para sa mama at kapatid niya..

At si Rocky naman ay wala ng mga magulang, maaga siyang naulila pero may dalawa siyang kapatid, yong isa ate niya pero may sariling pamilya na din, at may nakababata pa siyang kapatid ngayon na andoon nakatira sa ate niya pero tumutulong din naman siya sa pagpapa-aral sa kanyang nakababatang kapatid...

Di naman maipagkakaela na may hitsura din ang dalawa kong mukong na kaibigan may matatangos na ilong at perfect jawline sabayan pa nga makapal na kilay at medyo singkit na mata na bumagay naman sa kanila actually si Rocky ang may singkit ang mata at si Jeho naman ay sakto lang kaya nga babaero tong mga to dahil feeling nila sila na ang pinakagwapo sa mundo....

Oha! naexplain ko na ata lahat di dapat to mahaba kasi prologue pa lang!hehe so paano see you in my next journey sa chapter 1....

(Xen-Sen) that's how you pronounce it! alright enjoy reading!
d^_^b

******************************

Disclaimer :This is a work of fiction names, characters, places, events, businesses, incidents are either the product of authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person living or dead or actual events is just purely coincidencial

Perfectionist is not allowed coz marami po tong grammatical errors so pagpasensiyahan niyo nalang po!

PLAGIARISM IS A CRIME!! and i know that you know that...

Sa mga nagtatanong at magtatanong pa lang kung kailan ako mag update pag tinupak haha pero madalas naman akong tupakin kaya alam na this! bwahahaha d^__^b

*ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sayo sa pagtangkilik mo sa storya kong to sa kabila ng mga naggagandahang storya sa wattpad kaya thank you thank you so much sayo sa pagbabasa nito d^o^b

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE d^__^b
Thank you so muchhh❤️
GOD BLESS US ALL❤️

FOR IMPORTANT UPDATES! PLEASE VISIT THE FOLLOWING:

Facebook:http://www.facebook. com/Ara Abonero Jimenez

Instagram:@Ara Abonero Jimenez

Twitter:@Aboneroara

©ALL RIGHTS RESERVED 2019.

A Homeless BillionaireWhere stories live. Discover now