Chapter 4

625 10 0
                                    


Kiefer's POV

Pagkatapos namin magpasukat sa boutique ay dumerecho kami ni Von sa A Venue dahil hinhintay kami doon nina Baser at Nico. Nagkayayaan lang na lumabas dahil sa sunod na linggo ay magiging busy na kami dahil sa magaganap na fashion show. Kailangan namin suportahan ang show dahil para ito sa mga Athletang Pilipino.

Gabi na kami nakarating ni Von sa restaurant dahil late na kami natapos at natraffic pa kami kaya halos 9 pm na kami nakarating.

Habang naglalakad ako papunta sa tambayan namin ay napatingin ako sa babaeng nasa may pool side ng private area ng building na ito. Napatigil ako ng bahagya ng makita ko ang kanyang magandang katawan. Familiar face, sabi ko sa sarili ko ng biglang...

"Paps, laway mo tumutulo!", Von.

"Gago ka Pessumal!".

"E pano naman kasi paps kanina pa kita kinakausap nakanganga ka lang dyan. Sino ba kasi yun, kilala mo?"

"I don't know but she looks familiar. Medyo madilim kasi pero parang si Alyssa yung babae".

"Paps naman, paano naman mapupunta dyan si Ly? At kung nandito siya sa Pilipinas bakit hindi siya nagpapakita sa atin?", Von.

"Sira ka pala eh, magpapakita ba sa atin yun e galit nga siya sa akin diba?"

"Sabagay.... halika na nga. Gutom na ako e", Von.

Hindi maalis sa isip ko ang babaeng yun. Para talaga siyang si Ly.

Habang kumakain kami ay may isang babaeng naglalakad papunta dun sa private area. Hindi ako maaring magkamali, yun ang manager ni Alyssa. Tumayo ako para sundan siya pero hindi ko na siya inabutan. Hindi naman ako pinayagan ng guard na makapasok ng lugar na iyon dahil nga private yun at hindi na parte ng restaurant.

"O Kief pare saan ka nagpunta, bakit bigla kang umalis kanina?", Baser.

"Nakita ko kasi ang manager ni Ly, susundan ko sana kaso hindi ko na inabutan e."

"Si Momager? So possible nga na si Ly ang nakita mo kanina paps!", Von.

"Si Momager? Si Ly? Nandito sila?", Nico.

"Possible na nandito nga sila. Okay lang ba kung iwan nyo na lang ako dito, hihintayin ko lang lumabas si momager. Baka chance ko ng malaman kung nasaan si Ly."

"Sasamahan kita paps, alam mo namang fan ako ng KiefLy eh", Baser.

"Siempre kami din", Von and Nico.

"Salamat".

"Paps, kung hindi ka kaya nagpunta ng New York 7 years ago naisalba mo kaya ang marriage mo?"

"Hindi ko rin alam Von. Nung mga panahon na yun bago pa man ako umalis papuntang New York palagi na lang kaming nag-aaway ni Ly."

"Pero alam natin kung anong dahilan ng pag-aaway nyo palagi diba?"

"At yun din ang pinag-aawayan nyo nina Ella at Joanna diba?"

"Dahil ayaw ni Joanna sa ginagawa mo kay Ly", Nico.

"At ang alam ni Ella, pinababayaan ka lang namin na gawin mo yun kay Ly", Baser.

"Kaya nga sorry na mga paps. Pati kayo muntik na maghiwalay ng mga asawa nyo ng dahil sa kagaguhan ko."

"Paps, don't worry, naintindihan naman namin ang kalagayan mo noon. Kahit ang mga asawa namin naintindihan ka rin naman nila eh. Hindi lang talaga sila sang ayon dun sa naging desisyon mong ipa-annul ang kasal nyo ni Ly.", Nico.

"Okay na yun paps. Ang wish na lang naman ng buong barkada ay magkaayos na kayong mag asawa", Baser.

"Hindi na nga mag-asawa eh, annuled kasi",von.

"Not the Least but Last"Where stories live. Discover now