Meet and Greet

405 10 0
                                    

  "Hon,kinakabahan ako..."baling niya kay Vernon.Nakahawak ito sa bewang niya habang karga naman niya ang anak nilang si Vermontt.

   "Don't be.Nandito naman kami ni Vermontt so calm down."sinalubong sila ng mga katulong at napaamang ang mga ito ng makita sila ni Vernon pero mas pa nung tumutok ang mata ng mga ito sa anak nila.

  Dire-diretso lang sila sa living room.Napatayo ang mga magulang pati ang abuelo't abuela ni Vernon.Madilim ang mukhang lumapit sa kanya ang mommy niya.Akala niya ay sasampalin at pagsasalitaan siya nito pero laking gulat niya ng piningot siya nito at kinuha si Vermontt.

  "Pasaway ka talagang bata ka!Paano mo nagawang maglihim sa amin?"parang out of the blue'ng tanong ng mommy niya habang naglalakad palapit sa iba pa.Tuwang-tuwa ang mga ito.Hindi siya nakasagot sa ina.Tiningnan niya si Vernon at matamis na nginitian lang siya nito.

  "At ikaw,Vernondrii Lopez,may kinalaman ka ba sa pagtatagong ginawa ni Laureein?"nakasimangot na tanong bigla ng abuelo ng nobyo.Sasagot na sana si Vernon ng pigilan niya ito.

  "Wala pong kasalanan si Vernon.Nilihim ko din po sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.Nung nakaraan lang po niya nakilala si Vermontt,ang anak namin."matatag na amin niya sa mga ito.Tumango-tango lang ang mga ito.

   "Napabinyagan mo na ang apo ko,Hija?"tanong naman ng daddy niya.

  "Hindi pa po,Dad."nakayukong sagot niya.

  "Aba eh,planuhin niyo na.Saan niyo ba balak?Dito o sa Pilipinas?"tanong naman ng abuelo nito.

  "Sa Pilipinas po para makilala din po siya nila Mom at Dad tsaka nila ate pati na na din ng mga relatives pa namin ni Reein."sabi ni Vernon na sinang-ayunan naman ng mga magulang at grandparents ni Vernon.

  "Halina kayo sa hapag."yaya ng mommy niya.Bago sila dumiretso ay niyakap muna siya ng mommy at daddy niya.

  "We're so proud of you,Anak."sabi ng daddy niya.Niyakap niya ulit ang mga magulang.Pagkatapos ay binalingan siya ng grandparents ni Vernon.

  Niyakap siya ng abuela ni Vernon."I'm so happy for the both of you,Hija.Salamat at nagkabalikan kayo ng apo ko."nginitian niya ang babae at sabay na silang dumulog sa hapag.

Don't Let Me Go(COMPLETED)Where stories live. Discover now