Umupo siya sa harapan ko.

"Ayokong uminom," basag ko sa katahimikan.

Tiningnan lang niya ako at binuksan ang bote ng tequila. Nagsalin siya sa shot glass at deretso 'yong ininom. Dumampot siya ng asin at dinilaan 'yon sa kanyang daliri.

Napilitan akong agawin sa kanya ang shot glass at ginaya ang ginawa niya.

Matindi ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko kaya't agad akong dumampot ng lemon. Sinipsip ko 'yon.

Ramdam ko na pinapanood niya ako pero binalewala ko 'yon. Habang tumatagal kami sa pag-iinom ay mas lalo akong naiilang sa tingin niya.

"Sinabi mo kanina na hindi mo kami hinuhusgahan ni Faerie." Ramdam ko na tinatamaan na ako ng alak. "Pero nakalimutan mo na bang ilang beses mo na akong hinusgahan? You believe that I'm your father's mistress."

Iniangat ko ang tingin sa kanya at binalot ang mga mata niya ng galit.

"My point here is people easily judge a person. And you're one of them, who is really good at it." I took a shot again and look directly into his eyes. "Alam mo ba kung bakit ganoon kami kalapit ni Faerie? Kasi siya na lang ang nag-iisang nakakaintindi sa akin. Siya na lang ang pamilya ko." Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi para pigilin ang emosyon.

"Where are your parents?"

Nagsalin ako sa shot glass at iniabot 'yon sa kanya.

"They're gone. And my Kuya Misham too."

Rumehistro sa mukha niya ang konsensya. Hindi ko na napigil ang paglandas ng luha sa pisngi ko.

Akmang tatayo siya ngunit umiling ako. Napigil siya noon.

"Until now, I can't forget how they died. I'd seen it with my own eyes—how they were killed."

Dahil sa tama ng alak ay hindi ko na na-control ang sarili sa pagkwekwento tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Nang natapos ay halos hindi ako makahinga.

Lumapit siya sa akin at inalo ako.

"Noong bata ako lagi kong tinatanong ang Mama ko kung bakit wala akong ate. Naiinggit ako sa mga kalaro ko, dahil sa kanila may nag-titirintas ng buhok, may kasamang maglutu-lutuan." Gumalaw ang mga balikat ko. "Sagot pa nga ni Mama sa akin, malabo raw na magkaroon ako ng ate dahil nauna na akong ilabas at lalaki naman si Kuya Misham."

Hinagod niya ang likod ko.

"Kaya nong nawala sila, lagi kong kinakausap ang Mama at Papa ko. 'Pag pumupunta ako sa puntod nila, lagi kong sinasabi na 'iiwan n'yo rin pala ako. Sana iniwan n'yo ako na may kapatid na babae'."

Marahan ko siyang itinulak. Ininom ko ang shot na dapat ay para sa kanya.

"Life is too short to be afraid of showing someone how much they mean to you. Hindi natin hawak ang oras. Maaaring kasama mo ngayon, pero bukas wala na." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan. Kumalma na rin ako. Nang linungin ko siya ay mukhang malalim ang iniisip niya.

Tumingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Kumabog ang dibdib ko nang bigla niya akong higitin palapit sa kanya. Mapupungay ang mga mata niyang hinagilap ang akin.

"I'm more determined now." Hinaplos niya ang pisngi ko.

Napapikit ako. Hindi ko malaman kung dahil sa tama ng alak o dahil sa kilabot na dulot ng hawak niya.

"Gusto kong ipakita sa 'yo, Amity," halos pabulong niyang sabi. "Gusto kong iparamdam sa 'yo."

Kumirot ang puso ko. Gusto ko siyang itulak. Natatakot ako sa maaaring kapuntahan ng sinasabi niya.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon