“I still remember when you two had a fallout because of Alexis,” Daniella reminisced with a sad smile. “I know it was truly imposing, cruel even, to ask of her that. I didn’t expect her to agree, to be honest.”

Aminado si Aya na totoo iyon. “Nang mga panahong ‘yun, I was just really glad to have something I can hold as a keepsake from Alexa, and a child at that! And I thought Yuna agreeing won’t cause any problem, at all.” Aya sighed. “She hid it well, but then… the instant she saw Alexis, she fell in love with her. And look at them now.”

Parehong napangiti sina Aya at Daniella habang pinapanood sina Yuna at Alexis.

"Yes! I won! I won!"

Mukhang naka-goal ang huli at tuwang-tuwang nagtatalon. Samantalang si Yuna ay nakahilata naman sa damuhan, nang bigla itong dinaluhong ng anak.

"No— ahhh!" napasigaw si Yuna.

Si Aya ay bigla namang napatayo. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nagtatawanan na ang mga ito. "Kayong dalawa, huwag kayong masyadong maharot! Nagkakasakitan na kayo ha," sigaw niya sa dalawa habang nakahawak sa railings ng patio.

"We're okay, hun!" si Yuna. Siya naman ang nasa ibabaw ni Alexis habang kinikiliti ito.

Daniella chuckled. Tumabi na rin kay Aya sa pagkakatayo. “They're such a sight to behold.”

“At kadalasan pa ay silang dalawa ang laging magkakampi laban sa'kin,” ani Aya na napailing.

Daniella smiled. “Wala pa ba kayong balak na sundan si Alexis?”

“Ugh. Not yet, tita. Tama na muna si Alexis. Papalipasin muna namin ang kalikutan niya. We have a plan, but… not right now. And I want Yuna to carry it next time. Obviously, she can’t right now. With her workload and all...”

ILANG BUWAN ang lumipas matapos ang pagbisitang iyon ni Daniella ay nakatanggap ng tawag mula rito si Aya.

“Aya... we had an emergency back in the States. Kailangan naming umalis ng Tito Theo mo ngayon. Hindi namin sigurado kung kailan kami makakabalik,” ang sabi ni Daniella mula sa kabilang linya.

"Uh... pa'no po 'yong birthday ni Alexis sa susunod na araw? Sigurado pong hahanapin kayo ng apo ninyo. Hindi niyo po ba puwedeng ipagpaliban muna?"

"I'm so sorry, Aya, but our presence is badly needed there. Babawi na lang kami sa ibang paraan. Send our love to Alexis. I really have to go now, Aya. Nasa airport na kami at pasakay na din kami ng eroplano ngayon. Mag-iingat kayo lagi riyan," iyon lang at pinutol na ni Daniella ang linya. Mukhang nagmamadali talaga ang mga ito.

Napatitig na lang sa telepono si Aya at napabuntung-hiningang ibinalik iyon sa cradle. Sa tuwing birthday kasi ng anak niyang si Alexis, palagi na ay present ang mag-asawang Madrigal at minsan pa ay ang buong pamilya ni Alexa. Nagpauna nang nagsabi ang mga kapatid ni Alexa na hindi makakadalo ang mga ito. At ngayon ay pati din pala sina Daniella at Theodore. Siguradong malulungkot ang anak niya.

Ilang buwan pa ang lumipas…

“Mama, bakit hindi na po ako dinadalaw nina Lolo Theo at Lola Dani? Hindi na ba nila ako love?” malungkot na tanong ni Alexis sa ina.

“Sweety... busy lang kasi sila kaya't hindi sila makapunta dito. Pero hindi ibig sabihin na hindi ka na nila mahal, okay? Tumatawag-tawag naman sila sa'yo 'di ba?” pang-aalo ni Aya sa anak. Inaayos niya ang suot nitong jumper.

“Pero bibihira na din sila tumawag... tapos sasaglit lang...” malungkot na turan ng bata.

Napabuntung-hininga si Aya. Kahit siya ay nagtataka na din sa inaasal ng mga magulang ni Alexa. Dati kasi ay halos araw-araw kinukumusta ng mga ito ang apo kahit gaano pa ka-busy sa trabaho, pero ngayon ay naging madalang na iyon. Halos hindi na rin dumadalaw ang sino man sa mga ito matapos ang biglaang pagluwas ng bansa ng mga ito.

“You two ready?” Biglang dumungaw sa pinto ng kuwarto si Yuna. Papunta sila sa isang book fair sa Quezon City. Gaya ni Aya ay hilig din ng anak ang magbasa, at nakaugalian na nilang dumayo sa mga book fairs.

Tumayo na si Aya, hinawakan ang anak sa pisngi. “Cheer up, okay. Malay mo bigla ka nalang nila i-surprise. You know them. Come on.”

Marami nang tao nang dumating sila sa fair. There was this place in QC na puro bookstores, at dahil fair,  hanggang sa labas ay nakalatag ang mga libro.

“Mama! Mama!”

Biglang napalingon si Aya sa tawag na iyon ni Alexis. Namimili siya ng libro sa labas ng napili nilang bookstore at nakatalikod dito. Si Yuna ay sa loob naman tumitingin.

Nilapitan ito ni Aya. “Yes, sweety?”

“Mama, I saw Mommy there!” namimilog ang mga matang wika nito na nakaturo sa direksyon ng kalsada.

Napakunot ang noo ni Aya sa anak. “Sweety... nasa loob ang mommy mo,” aniya dito.

“No. Not Mommy Yuna. It’s Mommy Alexa. I saw her!”

Aya was dumbfounded. “But sweety... Mommy Alexa's dead. You saw her remains, right?”

“But I saw her real and alive! Right there, Mama,” turo nitong muli sa direksyong sinabi nito kanina.

“Baby, look...” ani Aya na lumuhod sa harapan ng anak, “maybe it was just her ghost. Siguro dahil sa pagka-upset mo kina Lola Dani kaya siya nagpakita sa'yo. Maybe she just wanted to remind you how much they love you."

“Really, Mama?” Mukhang hindi kumbinsido ang anak sa paliwanag niya, “but do ghosts got cars?” litong tanong nito.

“What?” Si Aya naman ang nalito.

“I saw her get inside a car, Mama. May cars din ba ang mga ghosts?” Naguguluhang tanong ni Alexis.

“I... w-well...” Sandaling hindi malaman ni Aya ang isasagot. Sinundan niya ng tingin ang tinuturong kalye ni Alexis, kung saan daw nakita nito si Alexa.

‘Do ghost got cars?’











To be continued in the next book.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now