11. Moving on

2.7K 113 16
                                    

Aya could feel a trickling heat on her face when consciousness came back at her. She lifts her head a bit and peered at the source --- the curtains was slightly turned. So, that's where it is coming from. She laid her head back again and heaved a deep sigh.

"Hay... bakit ba nagising pa ako?" Himutok niya sa sarili.

Mataas na ang sikat ng araw kaya masakit na iyon sa balat. She groaned. Napilitan siyang bumangon. Lazily, she walked towards the window. Inayos lang niya ang pagkakaayos ng kurtina at muling bumalik sa kama, para humilata.

Namamanhid ang mukha niya at pakiramdam niya ay ang kapal na nito. Ni hindi na siya nakapaghilamos kagabi para sana hindi iyon mamaga.

Maya-maya'y umagos na naman ang luha sa mga mata niya. "Hay... ayoko na..." aniya sa pagitan ng paghikbi. She pressed her fingers on her eyes, trying to stop the tears from coming out but to no avail. "Ayoko na... Ayoko na!" She screamed suddenly. She broke down in sobs, again.

Napalakas yata ang pagsigaw niya dahil nakarinig siya ng papalapit na mga yabag. Maya-maya nga'y may narinig na siyang kumakatok.

"Aya... ayos ka lang ba dīyan?" Narinig niyang tanong ng ina mula sa kabilang panig ng pinto.

Bigla namang napatigil sa pag-iyak si Aya. "Shit!" Napamura siya. Nakalimutan niyang nandito na nga pala siya sa bahay ng mga magulang.

Napabalikwas siya ng bangon. Dahilan para manakit ang ulo niya sa biglaang pag-upo. "Argh!" Daing niya habang sapo ng dalawang kamay ang ulo.

Patuloy pa rin ang pagkatok ng ina. "Aya!"

"Ayos lang po ako, 'Ma!" Sagot niya sa namamalat na tinig. Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Tila ba may hang-over ang pakiramdam niya.

"Sigurado ka, ha? Lumabas ka na nga riyan at nang makakain na!"

"Opo, 'Ma. Maliligo ho muna ako!"

"Aba'y tanghali na! Wala ka bang pasok?" Tanong pa.

"Wala ho!" Kaila niya.

"Sige. Bumaba ka na lang. Nandoon lang ako sa kusina," anito. At narinig na niya ang papalayo nitong mga yabag.

Aya sighs in relief. Mabuti nalang at mukhang hindi pa alam ng ina. Mabuti naman at hindi muna dito sinabi ng ama.

Nagdalawang-isip pa rin siya kung tuluyan na bang babangon o hindi. Pero kung hindi siya babangon ay siguradong babalikan na naman siya ng kanyang ina mamaya.

Napabuga siya ng hangin at lulugo-lugong naglakad papuntang banyo. Pinilit niyang maligo. At matapos magbihis ay matamlay pa ring bumaba na siya.

She wanted to atleast smile to hide her feelings from her mother, but she just can't. How can she, when she feels her heart just died?

"Nandiyan ka na pala. Kumain ka na," anang ina. Hinainan na siya nito ng pagkain. Patingin-tingin ito sa kanya at waring pinag-aaralan siya. Nangunot ang noo nito. "Bakit ganyan ang mukha mo?" May pagka-istriktang tanong nito.

"Bakit ho?" Kunwa'y inosenteng tanong niya. Sumandok na siya ng kanin at ulam na adobo. Mahilig sa heavy breakfast ang ina. Kita naman sa malusog na pangangatawan nito. Pinilit niyang lunukin ang pagkain kahit na wala siyang kagana-gana.

Nakamasid naman ang ina at nakataas ang kilay. Maya-maya ay naupo na rin ito kaharap niya. "Sabihin mo nga sakin... ano bang nangyari?" Malumanay na tanong nito bagamat bakas ng pag-aalala.

Hindi naman makahuma si Aya at iniiwasang magtama ang tingin nila ng ina. Napakagat-labi siya at pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata.

Napabuntung-hininga si Belen. "Si Yuna na naman ba? Ano na namang ginawa ng babaeng iyon?"

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now