17. The Battle

2.5K 95 10
                                    

"Are you enjoying, so far?"

Aya craned her neck towards Alexa and flashed a delighted smile. She answered the smaller woman's question, "very... You know what? This is the first time I enjoyed other people's company, this much," she answered.

At the background--- people were huddled around, chatting merrily after the execution of the losers. Hindi pa rin maka-move-on ang mga ito sa mga kalukuhang pinaggagawa.

Nakilala na ni Aya lahat ng members. All were really friendly, including Kaitlyn.

"So... the two of you, huh?"

"Huh?" Napatanga si Aya sa tinuran ng lider ng CUBS.

Kaitlyn pointed at them--- Aya and Alexa.

"Kayong dalawa... Hindi ba't kayo? You two really looked good together," puna pa nito.

"Uh---" Aya trailed off "--- we're not a couple," she shook her head.

"---yet," Kaagad na dugtong naman ni Alexa.

Bigla namang napalingon dito si Aya. A skeptical look was on her face. 'Pinagsasabi mong bruha ka, upakan kita,' she mentally hissed at the silly woman, as if Alexa could read it. Ayaw naman niyang ipahiya ito sa kasamahan.

Alexa understood the look Aya was giving her. She just winked at the designer, a mischievous smile on her face.

Palihim na kinurot ito ni Aya sa tagiliran.

"Oh... So, nagliligawan pa lang kayo? Kumusta naman? May pag-asa ba itong bata namin?" Medyo maangas na tanong ni Kaitlyn. Inakbayan pa si Alexa.

Hindi alam ni Aya kung lesbian din ba ito o ano, may pagka-boyish kasing kumilos. Subalit, wala namang nasasagap na gay signal ang gaydar niya rito.

"Uhm... well..." hindi alam ni Aya kung papaano sasagot. She shot Alexa a warning look.

The silly woman cleared her throat and forced a laugh. "Ikaw naman, Kaitlyn... Wala ka bang tiwala sa 'kin? Siyempre malakas 'to. Ako pa ba?" Ang mayabang na wika.

Napakibit-balikat na lang si Kaitlyn. "Oo naman, alam ko ang karakas mo pagdating sa babae, Madrigal. I still remember all the troubles you caused here, because of that," she stated, looking pointedly at Alexa.

Nangunot naman ang noo ni Aya. Na-curious siya sa sinabi ni Kaitlyn.

Alexa forcefully laughed again, a bit nervous. "Hey... that was a very long time ago," she playfully brushed Kaitlyn.

"Yeah, yeah... kaya nga nagtataka ako. It's gonna be the first time you're serious about a woman," anito. She then turned her head at Aya "Mukhang malakas ang tama ng batang 'to sa'yo, Aya," ang sabi pa.

Aya just gave out a tight-lipped smile as a response. She took a sip of water from her hands. At the back of her mind ay gusto niyang malaman ang sinasabi nito, tungkol kay Alexa.

Nang sa lalapit naman si Nolan mula sa likuran.

Aya was thankful for the distraction. She was getting uncomfortable by the discussion.

"Hey, guys!" Masiglang bati ni Nolan.

Mukhang medyo tipsy na ang lalaki. Labas ang matipuno nitong dibdib sa suot na button-down shirt, na hinayaang hindi naka-butones ang ilan.

Pumagitna ito kina Alexa at Kaitlyn. Aakbay na sana sa dalawa nang makilala ang huli. Agad na binawi ng lalaki ang isang kamay at kay Alexa na lamang ikinawit ang isa pa.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now