49. The Proposal

Magsimula sa umpisa
                                    

Two months later…


“How’s the things between you and Aya? Ano na bang score sa inyong dalawa?” tanong ni Jessica kay Yuna.

Nasa salon silang dalawa at parehong nagpapakulay ng buhok.

Nagkibit-balikat si Yuna. “Ganoon pa rin.”

“It’s been what? Two months? At wala pa ring improvement sa inyong dalawa? Hindi ka ba naiinip?”

“Hindi ko na gaanong iniisip ‘yan. What matters to me is that we’re in talking terms now. Sabi naman niya kailangan niya lang ng panahon. And besides… she isn’t dating anyone else other than me.”

“Pero hindi ka man lang maka-score? Kahit halik sa pisngi wala? Bilib na din ako sa’yo. ”

“I’m enjoying this nonetheless. And that’s what will make it more fulfilling kapag sinagot na ‘ko ni Aya.”

“Ikaw na talaga ang in-love,” napapailing na wika ni Jessica.

Biglang tumunog ang notification ng cellphone ni Yuna at dinampot iyon. Napakunot ang noo. “What’s wrong with Skidder? Kanina pa niyang tinatanong kung nasaan ako.”

“Skidder who?” napalingong tanong ni Jessica.

“Skid – my best-friend. Remember?” ani Yuna. Maria Skidder ang pangalan ng best-friend niya pero ayaw na ayaw nito sa pangalan at mas gusto nitong tawagin sa apelyedo.

“Oh – that. Iyong malandi rin kagaya mo?”

“Grabe ka namang makalandi diyan. That was a long time ago. I’m a changed woman now. For Aya,” ani Yuna na ipinatong na sa countertop ng salamin ang cellphone.

“Mm-hm. Nasa’n na nga pala ‘yon?”

“Si Skid? Nasa Norway. Do’n siya naka-base. She’s a plastic surgeon now.”

“Tindi rin. ‘Di ba dati nakailang palit din ng profession ‘yon?”

“She’s a very adventurous woman.”

“Baka ‘kamo unstable ang utak,” paismid na wika ni Jessica.

“Hey –“ ani Yuna na bahagyang natampal ang braso ng pinsan, “grabe ka do’n sa tao. Kaya hindi kayo magkasundong dalawa no’n.”

“Eh pa’no... bad influence siya sa’yo. Matagal ko na ding hindi nakikita ‘yon ah.”

“Alam mo naman ‘yon... ayaw na ayaw sa Pilipinas.”

“Sus,” si Jessica na napaismid muli, “parang hindi naman Pilipina.”







“Bestie!”

“Skid???” gulat na bulalas ni Yuna nang sa pagbaba nila ng sasakyan ni Jessica ay mabungaran ang long-lost best-friend niya.

Seksing-seksi ito sa suot na crop-top na tila bra na lang sa iksi at trousers naman sa pang-ibaba. Nangingintab naman ang blond nitong buhok na nakalugay lang.

Agad nitong tinakbo ng yakap si Yuna. “I missed you so much, best!” anito.

Kandaubo naman si Yuna dahil halos masakal na siya nito. Mas matangkad siya dito ng ilang pulgada pero halos magpantay na sila sa taas ng takong nito. Inilayo niya ang katawan dito, “ano ka ba naman, best... papatayin mo ba ‘ko?” nakangiwi niyang turan.

Hindi pa nakuntento ang babae at muling ikinulong ng yakap si Yuna at isinayaw-sayaw pa. “I really really missed you!”

“Okay, okay... I missed you too. Please let go of me now,” reklamo ni Yuna.

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon