"Hmm... smells fishy," makahulugan kong sabi.

Umirap lang siya. Itinuro ko ang pisngi ko at hinalikan niya ito. "Utak mo masyadong madumi."

"Madumi rin ang tingin sa 'yo nong lalaki," tugon ko.

"Siya rin madumi. Dugyutin. Eew."

Hindi ko napigil ang sarili na matawa dahil sa kamalditahan niya. Sumabay naman siya sa akin. Bago ako umalis ay hinalikan ko pa siya ng tatlo sa pisngi.

"Bye, love! See you later!" paalam ko bago tumalikod at tuluyang umalis.

Hindi pa ako nakalalayo sa building nila nang nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

Faerie:

Always wear that gorgeous smile on your face, baby sis.

Itinago ko ang cellphone sa bulsa ko at pumasok na sa faculty room.

"Good morning po," bati ko bago dumeretso sa table ko.

Wala ni isa ang bumati pabalik sa kanila. Inilibot ko ang tingin at wala pa sina Sir Gael at Sir Harold. Sila lang naman ang magiliw na bumabati sa akin tuwing papasok ako rito.

Nang dumating ang oras ng klase ay itinuon ko na lang dito ang atensyon. Walang sinuman ang nagbubukas ng usapan tungkol sa nangyari kay Shine dahil mahigpit na ipinagbabawal sa school ang pagtsitsismisan tungkol sa issues ng mga estudyante.

Nasa huling klase na ako nang nakita ko si Sahara. Naglalakad siya patungo sa STEM Building. Ayoko man sana siyang sundan pero kailangan.

Walang issue kung hindi siya naka-uniform, kaya lang ay naka-shorts siyang pumapasok sa klase?

Bago pa siya makapasok sa room ng section nila ay nahawakan ko na ang braso niya. Bumagsak ang tingin niya sa hawak ko bago 'yon lumipat sa mukha ko.

Tiningnan ko ang kabuuan niya. Napabuntonghininga ako dahil sa loob ng jacket na suot ay naka-sleeveless top lang pala siya.

"Hindi ka ba aware sa dress code ng paaralang 'to, Sahara?" simula ko.

Sumilay ang nakapanlolokong ngiti sa mapupula niyang mga labi. Nagkibit-balikat lang siya.

"Follow me," utos ko.

Sumunod naman siya sa akin sa faculty room. Umupo ako sa swivel chair at siya ay sa harapan ko. Inilibot niya ang tingin sa kabuaan ng faculty room.

"Bar ba o school ang pinupuntahan mo, hija?" tanong ko.

Doon ko muling nakuha ang atensyon niya. Nakakunot ang noo niya na tumingin sa akin. Hinagod niya ang kulay blonde na buhok. Kung hindi ko lang talaga alam ang edad ng batang 'to ay mapagkakamalan siya na halos ka-edad ko lang.

She was too gorgeous and sexy for her age.

"Mas maganda pa ang suot ko kesa rito kapag nagba-bar ako, Ms. Escobar," sagot niya. "At naisama na ako ni Aegeus sa bar. Ikaw ba?"

"We're not talking about you going to bars, Sahara. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang suot mo," pilit kong itinago ang umaahong inis.

"Aegeus likes sexy clothes, that's why I dressed up like this." Matamis siyang ngumiti. Tiningnan niya ang suot ko. "Hindi niya ako natitiis kapag ganito."

"Pumasok ka rito para mag-aral, hindi para mang-akit ng lalaki."

Humalakhak siya. Tumayo siya at itinuon ang mga kamay sa table ko. Ipinantay niya ang mukha sa akin.

"Based on your reactions, you are jealous of me." Hinawakan niya ang baba ko. "Pero, Ma'am, kahit anong gawin mo, hindi ka mapapansin ni Aegeus. Hindi, habang nandito ako."

The Charm Kde žijí příběhy. Začni objevovat