Chapter 28: Masaya kana?

Magsimula sa umpisa
                                    

“He’s in our-“

“Baby, sorry na, I’ll make it up you, I promise.” Singit ko saka sya niyakap at hinalikan sa noo. Nakita ko ang pag kagulat sa mukha nya at ang pag kadismaya naman ng lalaking nasa harap nya. Tang-inang ‘to ang lakas ng loob na lumapit sa fiancé ko, basagin ko pag mumukha nito eh. Tumingin sa akin si Zia na parang sinasabi na anong ginagawa ko doon? Kaya ngumiti lang ako at lalo ko pa syang hinapit sa bewang para ipakita sa hayop na lalaking nasa harap namin na akin lang sya. Akin lang.

“Ahhh sige. Nice meeting you nalang, kapag naisipan mong hiwalayan ang lalaking yan, tawagan mo lang ako.” Preskong wika ng lalaki saka inabot ang isang calling card kay Zia pero agad kong kinuha at pinunit.

“Hindi nya kailangan na tawagan ka dahil hindi mangyayari na mag hihiwalay kami at kung gusto mo pang mabuhay, umalis kana sa harap ko bago pa kita mapatay.” Sagot ko sa lalaki saka nya tinaas ang dalawang kamay at umalis. Gusto ko syang bugbugin pero mahigpit na nakahawan si Zia sa bewang ko na parang sinasabi na wag akong gagawa ng gulo.

“Yuan, Control your temper.” Paalala nya pa kaya huminga ako ng malalim para alisin ang galit ko. Kung hindi ko lang sya kasama, kanina ko pa binugbog ang lalaking yun. Napatingin ako sa kanya ng bitawan nya ako at nag lakad ulit palayo. Naalala nya siguro na mag kagalit pa kami. Kasalan ko naman kasi.

“Zia, sorry na…” Lambing ko saka sumunod sa kanya. Para akong asong ulol na nakabuntot sa kanya.

“Bakit ka nag sosorry? Saka himala kinakausap mo’ko?” Sarcastic nyang sagot saka ako inirapan.  Hindi ko na pigil ang mapangiti dahil sa tuwing ginagawa nya yun, lalo lang ako na nababaliw sa kanya.

“Zia naman, sorry na nga, kasalanan ko na kaya bati na tayo.” Pag mamakaawa ko sa hinawakan ang braso nya pero nag pumiglas sya at lumayo sa’kin

“Wag mo nga akong hawakan!” Sigaw nya. Galit na naman sya pero hindi ko pa rin magawang tumigil. Gustong gusto ko kapag hinahabol ko sya.

“Anong gusto mong gawin ko para mawala na ang galit mo?” Tanong ko habang nag hahabulan kami. Hindi sya nakatingin sa’kin at patuloy lang nag lakad ng mabilis. Palayo na kami ng palayo sa mga tao.

“Zia! Kausapin mo naman ako!” Pero kahit anong gawin kong pag papapansin ay hindi nya ako kinausap kaya sa inis ko ay inilang hakbang ko sya at hinapit sa bewang para bigyan ng halik sa labi. Nag laban ang mga dila namin habang binubuhos ko ang lahat ng pag kasabik ko sa halik na yun.

“Yuan bitawan mo’ko!” Sigaw nya saka ako tinulak. Muli syang nag lakad balik pinanggalingan namin kanina at muli ko rin syang sinundan. Naguguluhan na ako sa kanya dahil alam kong gusto nya ang halik ko pero ayaw nya paring makipag bati sa akin. Sa inis ay sinipa ko ang buhangin at ginulo ang buhok ko. Nakakabaliw talaga sya.

“Baby, please forgive…” Natigilan ako ng huminto sya at humarap sa akin. Seryoso pa rin ang mukha nya kaya hindi ko alam kung pinapatawad na nya ako. Sana naman tapos na ang dramang ‘to.

“Gusto mong patawarin kita diba?” Umpisa nya.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon