Chapter 1

25 1 0
                                    

*Seraphina's POV*

"Oh Maynila na oh, Maynila na, mga bababa d'yan magsitayo na"

Nang marinig ko ang sinabi ng tsuper ay tumayo na ako dala ang isang bagpack at isang maleta.

Huminto na 'yung bus senyales na pwede nang bumaba kaya naman naglakad ako papuntang pintuan nitong bus tsaka ako bumaba. Nang makababa na ako ay hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit sa Maynila pa nila ako gustong pag-aralin. Maaayos naman ang mga universities sa Laguna at tsaka mas okay nang 'dun ako mag-aral para hindi ako mapalayo sa mga magulang ko pero choice eh sila 'yung pumili ng pag-aaralan ko kaya naman kailangan silang sundin kaysa naman magalit sila sa'kin at tsaka alam ko naman na para 'to sa future ko kaya nila ako pinalipat ng school at sa sikat pang school sa Pinas kaya naman pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para sa magulang ko.

Nag-aantay ako ngayon nang taxi para makapunta sa Luxury University dahil panigurado na 'yun lang or silang mga taxi driver ang mas nakaaalam papunta 'dun. Pinara ko 'yung taxi na padaan sa pwesto ko kaya naman huminto ito sa tapat ko. Lumapit ako 'dun at binaba naman ng driver 'yung bintana at tumingin sa'kin.

"Saan po kayo ma'am?" Tanong nito

"Kuya sa may Luxury University lang po" sabi ko

"Ay pasensya na ma'am hindi po ako pwedeng maghatid 'dun" sabi n'ya kaya naman nagtaka ako sa sinabi n'ya.

"Bakit naman po?" Tanong ko dito.

"Mukhang bago ka lang dito sa Maynila 'no?" Tanong n'ya at tumango ako.

"May mga authorized bus sila na 'yon lang ang pwede mong sakyan papuntang LU, may nakalagay namang plaka 'dun parahin mo na lang" sabi n'ya tsaka s'ya tumingin sa kanyang relo.

"Mga gantong oras ma'am dadating na 'yun dito" sabi n'ya

"Thank you po kuya" sabi ko at bumalik sa aking pwesto at nag-abang nang bus na sinasabi ni kuya.

Umalis na 'yung taxi tsaka naman dumating 'yung bus na may nakalagay na LU sa plaka kaya pinara ko 'yun. Dala ang mga gamit ko ay pumasok na ako sa loob nang bus at nakita kong marami-rami pa ang bakanteng upuan lalo na sa may bandang likuran kaya 'dun kong naisipang umupo. Nilagay ko sa compartment nitong bus ang maleta ko at baba ko lang naman nilagay 'yung bagpack ko.

Kinuha ko muna 'yung cellphone ko dahil matagal-tagal pa daw ang byahe sabi nung driver kaya naman kinuha ko rin 'yung earphones ko at pinasak 'to sa cellphone ko tsaka ako nagpatugtog. 'Di ko namalayan na onti-onti nang bumibigat ang mga talukap nang mata ko dahil na rin sa pagod kaya naman natulog muna ako.

———————————————————————

Nagising ako ng may kumalabit sa'kin. Pagbukas ko ng mga mata ko nakita ko ang isang babae na nakatingin sa'kin.

"Miss gising na, nandito na tayo sa LU" sabi n'ya kaya naman umayos na ako.

"Umm thanks" yun lang ang nasabi ko sa kanya at tumingin sa may bintana at nakita kong papasok na sa may LU itong bus.

"By the way, I'm Jesy nga pala, freshman here" sabi n'ya kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Seraphina nga pala" sabi ko at nagshake hands kami.

"So saan ka galing, I mean saang lugar ka galing kasi 'di halatang taga dito ka. Kung babasehan sa kulay ng buhok mo at kutis parang galing ka sa ibang bansa" sabi n'ya at hindi na ako nagulat dun.

Madami na ang nagsasabi sa'kin nang gantong bagay dahil sa kulay ng buhok na blonde pero hindi naman ako nagpapakulay ng buhok then yung kutis ko na maputi. Wala naman sa lahi namin ang ganto like my parents are pure filipino and filipina at ganun din naman ako pero ang pinagkaiba lang ay yung buhok at kutis ko kaya madaming nagsasabi na ampon lang daw ako but it's not true dahil nagpablood test ako and match kami ng parents ko so hindi ako ampon it because of my genes siguro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luxury University: The Gifted Where stories live. Discover now