CHAPTER 11: OUR SECRET

Start from the beginning
                                    

Yan ang mga bulong bulongan na naririnig ko. Grabe ang ja-judgemental nila! Atsaka ano ba, hindi naman talaga kami bagay nitong tukmol na'to!

Sainyong-sainyo na ang baby Max niyo! Wala kong balak angkinin yan noh! Che!

Hinila niya ko papasok ng campus at dinala niya ako sa basement.

Omg? Anong gagawin niya sakin?!

"Hoy! Ano bang ginagawa natin dito?! Anong gagawin mo sakin?!"
Sigaw ko habang pinipilit kong makawala ang kamay ko sa kanya pero masyado siyang malakas!

"Basta manahimik ka nalang muna pwede? And for your information, I don't have any bad agenda about you. Wag kang assuming diyan."

Wow! Ako pa assuming ah!

"Edi sorry!"

Deadma lang siya sakin.

Maya-maya pa ay narating na namin ang isang puting pader na may pindutan sa gitna. Ang weird.

Pumindot siya ng ilang mga numbers at nagulat ako ng bumukas ang kanina ay simpleng pader lang.

Wow! Parang ito yung mga napapanood ko sa mga teleserye kaso sa mga library naman yon.

Ano kayang meron sa loob nito?

Pumasok kami sa loob at sumalubong samin ang isang elevator. San naman kaya papunta 'to?

Saan ba talaga ako balak dalhin ng tukmol na 'to? Naiinis na 'ko!

"Kung balak mong magtanong, wag na. Manahimik ka nalang."

Pa'no naman niya nalaman na magtatanong ako sa kanya? Hmp! Pasalamat siya at hindi ko alam papabas dito kung hindi, kanina ko pa siya pinagtatadyakan at tumakas.

Inirapan ko nalang siya.

Nang bumukas ang elevator bumungad agad ang kulay puting pinto at mukhang may password din katulad nung kanina.

Hindi kaya hideout nila 'to?

Pumindot siya ilang numbers at bumukas iyon.

Sobrang napahanga ako sa nakita ko.

WOW! JUST WOW! ANG LAKI AT ANG GANDA NITO!

anong klaseng lugar to? Para siyang bahay-- no, bahay talaga siya may malaking dalawang couch, siguro kakasya ang labing dalawang katao sa couch na ito. May LED tv, dvd player at speaker din at may magwrqng chandelier! At may kusina pa! Ang laki ng kitchen at pati ang ref! Mukhang madaming pagkain sa loob hahaha!
Mahaba din ang mesa, fifteen na chairs ang naroon mukhang madami talaga ang nakatira dito. At----

"Tapos ka na bang humanga sa bahay ko?"

Nagising ako sa ulirat dahil sa basag trip na lalaking 'to.

"Bahay mo 'to?"  Iyon agad ang lumabas sa bibig ko.

"Our house, the TBG's hideout."

Sagot niya at sabay binagsak ang katawan sa couch.

Sabi ko na nga ba eh. Siguro dito siya pumunta kanina nung nagwalkout siya.

Hindi na ko naghintay na ayain niya kong umupo dahil umupo na ko.

"So anong ginagawa ko rito?" Tanong ko.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, winalkoutan na naman ako at dumiretso siya sa kitchen.

"Uyy," sinundan ko nalang siya.

Ang ganda ng kitchen may malaking oven at kapansin-pansin din ang sandamakmak na mga wines at vodka.

Hmm... Matagal-tagal na din akong di nakakatikim ng alak ah. Mapapansin niya kaya kung dedekwat ako ng isa? Hahaha charot lang!

Naglapag siya ng isang slice ng cake at nagsalin ng juice.

"Here, eat first." Alok niya.

"Thanks,"

Sumubo ako ng isa.

*Chump chump chump*

OMG!!!! Ang saraaaaaap! \(*0*)/

Saan nabili to bakit ang saraaaap!

"A-ah... Max, san mo nabili 'tong cake?"

Kelangan ko tong itanong at kelangan ko ulit matikman 'tong chocolate cake.

"I made it. And it's not for sale."
Sagot naman niya.

Ang galing. Siya pala ang nagbake ng cake na 'to. Hmm... Infairness, nakakadagdag pogi points yon. Pero di pa din ako napopogian sakanya noh!

Uminom muna ajo ng juice bago mag salita.

"Ilang babae na nadala mo dito?"
Hindi ko alam pero ito bigla yung natanong ko.

Ano bang pakialam mo jastine Aila ha?

"Ikaw palang. Ikaw palang ang kauna-unahang babaeng nakapasok at nakakaalam dito even zachz, she have no idea of our hideout's existence."

Ako palang? Seryoso ba? >.<

"P-pero... Bakit mo ko dinala dito?"
Tanong ko na medyo naiilang pa.

"Because you're now my girlfriend."
Parang wala lang sakanya yung sinabi niya.

Aba! Ganon ganon nalang yon? Walang ligaw-ligaw? As if magpaligaw ako. -___-

"Girlfriend ka diyan! Hoy, bawiin ko yung sinabi mo sa mga schoolmates natin kundi babawian kita ng buhay!"

Pananakot ko. Natawa nalang ako sa pananakot ko mukhang di naman siya natakot eh.

"Really? Are threatening me? Ha crazy girl?"

Natatawa niyang tanong habang tinutulak tulak ng hintuturo niya ang noo ko.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Langyang to!

"Ano ba tigilan mo nga ko. Feeling close ka?" Sarkastiko kong reklamo sakanya Sabay irap.

Masyado kasing feeling close.

"Hindi ko babawiin yon. We will pretend as if you're my girlfriend and I'm your boyfriend. Para tigilan na ko ni Zachzna. Don't worry, I'll protect you from her and from her alalays." Paliwanag niya.

I'll protect you...

I'll protect you...

I'll protect you...

Hindi ko alam pero.... Kinilig ako ng kaunti sa sinabi niya.

Kaunti lang ha! Wag kayong ano dyan...

"Haynako! Bakit ba kasi ako pa ang napili mo para maging fake jowa!"

Naiiritang tanong ko sakanya.

"It's because I have no choice. Ikaw lang naman ang nandoon sa field nung time na yon at di ko na alam kung paano ko palalayuin yung babaeng yon. Ikaw naman may kasalanan non kasi nandoon ka."

Wow! Just wow! So all this time it's only MY fault?! Amazing!

"Ah.. so kasalanan ko pa pala?"

"Definitely."

Arrgghhh! Feeling ko sasabog na talaga ako!!!

"Kaya kung ayaw mong mapatalsik dito sa school na 'to, be a great pretender." Dagdag pa niya.

"Fine. But in one condition,"

syempre hindi naman pwedeng pabor sa kanya lahat no. Dapat makikinabang din ako.

"Susunduin mo lahat ng iuutos ko."

Bwahahaha! Akala mo ikaw lang ang nagiisip ha! You're very wrong my man!

"WHAT? NEVER!"

Nagulat siya sa kondisyon ko hahaha!

"Edi... No more girlfriend. And hi to your beloved Zachzna."

"Ugh! Fine, I will follow your fucking commands. psh!"

Iritang-irita ang mukha niya.

Susunod naman pala ang dami pang arte! Mukhang mageenjoy ako sa deal naming ito ah. Bwahahaha!

Destined with the GangsterWhere stories live. Discover now