CHAPTER 10: THE KISS

2.1K 43 0
                                    

Jastine's POV

Pagkatapos naming kumain ni Kat hinatid na niya ko sa classroom ko at binalaan na naman about sa 'zachzna the bratenella' nayon.

Pagkapasok ko, agad na nagkasalubong ang aming mga mata ni Zachzna. Hinding hindi ako magpapatinag sa mga tingin niya noh.

Umiwas na ko ng tingin at naglakad papunta sa pwesto ko. Teka, asan si Drake at sila max?

Eh? Ano bang paki ko sa max na yon. Kay Drake lang ako concern noh!

Maya-maya ay dumating na si drake na medyo pawisan at may... Pasa?!

May pasa siya sa gilid ng bibig nya. Anong nangyare sakanya? Nakipag-away ba sya? kanino naman?

Nang makalapit siya sakin agad ko siyang tinitigan. Napakunot naman siya ng tingin sakin.

"Why? Something wrong with me?"
Tanong niya.

"Uhh... T-tanong ko lang, anong nangyare sa gilid ng labi mo?"

Napaka tsismosa ko. >.<

Bakit? Masama na bang maging concern sa ka-ibigan mo— este kaibigan!

"Ah eto ba?..." Tinuro niya yung pasa niya at nag smirk lang.

"Ah wala yan wag mo nalang pansinin."
He said. At umupo na siya.

Napabalikwas ako ng may kumalabog sa pinto. At niluwal nito ang napakagwapo pero pawisin na lalaki at meron ding... Pasa??
Pareho sila ni drake.

Hindi kaya.....

Naglakad siya palapit sakin— este sa upuan niya. Pero bago pa man siya makarating sa upuan niya tinitigan niya muna ng masama si Drake. Nakakatakot ang aura niyang yon, kung nakakamatay lang ang titig niya siguro nilibing na si Drake.

Si Drake naman nakatingin lang ng diretso kay Max. Walang emosyon. Madilim din ang aura niya. Nakakatakot.

Nang makaupo na siya agad ko siyang tinanong kung anong nangyari.

"Uy, anyare dyan sa pasa mo? At bakit may sugat ka?"
Tanong ko. May sugat din kase siya sa braso niya. Mukhang nakipag away talaga.

"None of your business, crazy girl."

Nakakainis! Ganda-ganda ng tanong ko tapos sasagutin lang ako ng ganyan? Arggh!  He's getting to my nerves!!!

Inirapan ko lang siya. Mabuti pang si Drake nalang ang tanongin ko. Mas matino tong kausap kaysa sa tukmol na 'to!

"Okay ka lang ba talaga, Drake?"

Tanong ko. Hindi kasi talaga ko mapakali kung ano b talaga nangyari sakanya.

"Of course, don't worry 'bout me jas. I'm very much okay."

Ngiti niya sakin. At ako tumango-tango lang. Pero still, curious pa din ako.

"Pwede ba! Magsitahimik nga kayo. Kung maglalandian kayo, bukas ang pinto. You two can fucking leave if you want."

Pagsusungit ni Max samin. (or sakin lang talaga?)

Ano na namang problema nitong tukmol na 'to, eh di naman masyadong malakas ang paguusap namin. Psh!

Minsan naiisip ko nalang talaga na may saltik ang isang 'to eh.

Dumating na ang prof namin sa Statistics pero hindi namin iyon pinansin. Masama pa rin ang tingin ko sa lalaking—- este tukmol na katabi ko! Habang siya inirapan lang ulit ako.

Bakla ba 'to? Ang hilig mang-irap eh! o_O

"Pwede ba, kung ayaw mong nakakarinig ng ingay mula samin pwede ka naman lumipat ng pwesto diba? Hindi yung naghihimutok ka dyan!"

Destined with the GangsterWhere stories live. Discover now