CHAPTER 8: AGAIN AND AGAIN

2K 50 1
                                    

Jastine's POV

*KRIIIIIIIIIIINNNNGGGGGGGG*

Start na ang first class. Shocks kinakabahan akooooo!

"Beeeeesss! Hindi pala tayo magclassmate ngayon huhuhu! Nakakaiyak!"

Saad ni kat habang medyo nagdadrama hahaha!

Hindi kase kami magkaklase ngayon kaya wala daw siyang makokopyahan hahaha! Siraulo talaga tong bestfriend ko!

"Magtigil ka nga dyan katrina ha? Pumasok ka na at baka malate ka pa."

Sabi ko sa kanya.

Nasa harap kase kami ng room ko ngayon hinatid niya ako. Sweet ng bestfriend ko noh? Hihihi! >.<

"Okay. Later nalang ha pupuntahan kita dito bye bes!"

Paalam niya at tuluyan na ngang umalis.

Haaayyy.. ang bestfriend ko talaga!

So.... This is it? Papasok na ko sa bago kong room. Habang tinititigan ko yung mga classmate ko sa loob parang nakakatakot silang kausapin. May parang mataray, suplado, mayabang... Basta! Parang may mga sari-sarili silang mundo.
Mukhang magiisa ako dito ah.

"Hey, papasok ka ba or titigan mo lang yang mga tao sa loob?"

Boses babae ang narinig kong nagsalita. Kaya nilingon ko siya.

Isang magandang babae. Mahaba ang buhok na sobrang bagsak at shiny. Ang ganda rin ng mukha niya halos wala akong pores na nakikita, bagay sakanya ang make-up niya. Kapansin pansin din ang may kalakihan niyang hinaharap. Matatawag talagang sexy siya. Artista ba siya? Or model? Pareho siguro.

"Hey! What??"

Nagising ako sa ulirat nang magsalita ulit siya. Medyo mataray.

"A-ah... S-sorry..."

Ang tangi ko lang nasabi.

Nastarstruck ako!

Tumabi ako para makadaan siya. Teka, di ko napansin may kasama pala siyang dalawang alipores. Hahaha! Magaganda naman mukha silang galing sa mayamang pamilya.

"Retarded.."

Narinig kong sabi nung babae. At inirapan din niya ako.

Aba! Ang sama pala ng ugali! Tawagin ba naman akong retarded?! Psh!

Hindi ko nalang pinansin. Ayoko ng gulo first day na first day eh.

Pumasok na ko at naghanap ng bakanteng upuan.

Hmm... May vacant seat sa gitna pero... Mukhang di ako makakapag concentrate jan.

Sa unahan meron din.

Kaso andon yung babaeng maldita tsaka
Masyado akong expose jan.

Edi sa likuran nalang!

Umupo ako sa pinaka likuran.

Habang naglalakad ako papuntang upuan nararamdaman ko namang may iilang nakatingin sakin habang nagbubulungan.

Ngayon lang siguro sila nakakita ng maganda. Hahaha!

"Ang kapal naman niyang umupo jan!"

"Transferee siguro kaya walang alam."

"Huh! Hintayin nalang natin ang mangyayari sakanya mamaya!"

Yan yung mga naririnig kong bulungan nila. Bulong ba yon? Eh kulang nalang isigaw nila para marinig din ng mga taga kabilang room. Tsk!

Ano bang meron dito sa upuang to? Bakit big deal sakanila na dito ako umupo? Wala namang nakaupo dito tanging ako lang.
Tss bahala sila!

Destined with the GangsterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt