Chapter 13: Abandoned

Magsimula sa umpisa
                                    


Tumalikod agad ako ng may lumabas sa kainan na iyon. Nag lakad agad ako palayo. Napasipol ako. Baka kasi mahalata eh. Nung makalayo na ako naghanap naman ako ng isang lugar na wala masyadong tao. Nahirapan din akong makanap dahil matao sa lugar na ito.


Nasa Tomas Morato ako base sa mga taong nakakasalubong kong nag-uusap.  Lugar siguro to ng mga aliwan. 


Nang makahanap na ako sinipsip ko ang nectar ng bawat bulaklak na napitas ko. Ang sarap. Kulang pa nga eh. Umupo muna ako sa isang tabi. Tapos may isang babae na tumabi sa akin. May kausap siya sa telepono. Naisip kong tanungin siya pagkatapos niyang makipag usap sa telepono.


"Wait." sabi ko dahil aalis na siya.

"Yes?"

"Alam mo ba kung saan yung Sun Residences?"

"Sa Espana Boulevard. You need help? But I need to go na kasi. Yung boyfriend ko naghahanap ata ng hipon na higad doon." tapos may tinuro siya. Hindi na ako nakapag pasalamat kasi umalis na kaagad siya. 


Wala akong choice kung hindi ibalik ang sarili ko sa tunay kong anyo. Lumiit ulit ako at lumabas na ulit ang mahal kong pakpak sa likuran ko. Lumipad ako. Kahit madaming kasamaan sa mundong ito naaaliw akong panuorin ang tanawin sa baba. Makukulay na ilaw mula sa sasakyan at sunod sunod na ilaw mula sa matataas na gusali.


Tinahak ko ang Espana Boulevard. Kahit malayo nababasa ko naman ang berdeng karatula sa bawat kanto ng daan. Bumaba ako ng makita ko ang matayog na gusali na hugis letrang T. Nahirapan pa akong bumalik sa dati kong anyo dahil baka masira ang damit ko paglumaki ulit ako. Mabuti na lang hindi. Nagpalit na din ako ng damit dahil may lakas na ako para gawin iyon.


Pumasok ako sa gusali at napatingin ako sa paligid. Ang ganda. 


"Good Evening Ma'am" bati sa akin ng babaeng nakasuot ng uniporme na nakaupo sa may mahabang lamesa.

"Pwede ko bang malaman kung saan si Krissy Mortel?"

"Call ko lang po." 

"-Ma'am, ano pong pangalan niyo?"

"Fyglia."

"Fyglia daw po. Sige po Ma'am. Thank you po." pagkababa niya ng telepono, ngumiti siya sa akin. "-24th flloor, Unit **"


Tinuro niya sa akin yung daan. Pumasok ako sa elevator. Isang kwarto na umaangat at bumababa basta pindutin mo lang yung numero. Mabilis naman akong nakarating sa 24th floor at hinanap ko ang unit niya. 


Kinabahan ako di ko alam kung paano ako magtatanong. Baka ibang tao pala ang napuntahan ko. Sana naman hindi. Pinindot ko ang doorbell. Ilang sandali lang nagbukas din ito.


Siya nga ang nagbukas.

"Krista."

"I'm Krissy now, pasok ka." pumasok ako sa unit niya at ang ganda ng kwarto niya. Kulay dilaw ang karaniwang kulay ng mga gamit nya. Umupo ako sa sofa na malambot at napatigil ang mata ko sa litratong nakadisplay sa pader. Nakasuot siya na pang diwata. Katulad na katulad sa itsura noong nasa Faylinn pa kami. Paano?


"Nagpakuha ako niyan dito sa mundong ito. Wala lang, ayaw ko lang makalimutan kung sino ba ako dati. Di rin naman nila malalaman. Akala nila trip ko lang gawin yan. Anyway, I'm happy na pumunta ka na dito. I thought Ciel will come here first." tapos inabutan niya ako ng plato na may Flower Salad tulad nung hinain ko kasama si Lyn. 

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon