IJO18-19

4.4K 82 3
                                    

Vanna POV
Today is Sunday and I'm going to church. Balak ko talaga kasing magsimba. I just want to thank God for all those blessings na natatanggap ko. Sinasama ko si Trevor kasi Day Off naman niya ngayon pero yon nag aacting ang gunggong. May sakit daw siya kesyo napagod daw siya sa trabaho.
Ugh. Seryoso? Ayaw niya sigurong mabawasan yung mga kasalanan niya sa lahat ng babaeng pinaiyak niya. Hahaha
"Sige na kasi. Ang KJ mo naman eh. Magpapasama lang"pangungulit ko sakanya.
Nandito kasi siya sa sala nanonood.
"Misis ko naman. I'm tired. And I'm sick. Huhuhu di ka ba naaawa saken?"pagpapaawa niya.
Napasimangot naman ako at nagcross arms saka nilabas yung phone ko.
"Sasamahan mo ko o isusumbong kita kay Mama at Papa. Mahigpit Pa namang bilin nila na pag lalabas ako kailangang kasama ka"sabi ko saka kunwareng nagdial.
Nanlaki naman mata niya at napatayo.
"Eto na po maliligo lang ako saglit. Tss."sabi niya habang kinakamot ang ulo niyang papunta sa kwarto niya.
Napangisi naman ako. Hahaha
Kahit kelan talaga meron akong alas laban sakanya. Hahaha
Ilang sandali lang akong naghintay hanggang sa bumababa na siya.
Natulala naman ako nang makita siya. Woah. Bat ang gwapo niya ata? Nakasuot lang siya ng Blue Checkerd Polo tapos nakajeans siya. Ohmy. Makalaglag panty naman to. Ang simple ng suot niya pero nakakaattract sa mata.
"Misis ko. Yung laway mo oh"rinig Kong sabi ni Trevor na nagpabalik sakin sa reyalidad.
Ohmygoodnes Vanna. Nagiging marupok ka na naman.
Napahawak naman ako sa labi ko at hinampas siya dahil wala naman.
"Haha. Joke lang naman misis ko."sabi niya saka tumawa tawa.
Iniripan ko naman siya tapos nagmartsa na ako papalabas nang bigla niya akong yakapin patalikod.
Nanlaki naman mata ko sa ginawa at biglang nag init yung pisngi ko.
Waaahh. Nanananching tong damuhong to. Hindi naman ako makagalaw at parang nafreeze ako.
"Alam mo misis ko. Wag kang laging nakasimangot. Papangit ka niyan tsaka magkaka wrinkles ka niyan. Dapat lagi kang nakangiti para lagi kang maganda"sabi niya saka naglakad habang nakayakap Pa rin sa likuran ko kaya naakay din ako.
Those words made me feel contented na kahit galing sa isang Playboy na katulad niya. Feeling ko sapat na yun para saken. Mukhang sincere naman siya eh.
Di naman ako nakaimik hanggang sa marating namin ang kotse niya. Humiwalay naman na siya sa pagkakayakap sa likod ko na ipinagpapasalamat ko.
Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko na parang hindi ako makahinga at feeling ko nag iinit Pa rin yung pisngi ko.
Pinagbuksan naman niya ako ng Pinto at nilahad ang mga palad niya para alalayan ako sa pagpasok.
Inabot ko naman ang kamay ko at pumasok sa kotse niya.
"Alam mo misis ko. Kahit madaming babae ang nagkakandarapa sa harapan ko. Ikaw Pa rin ang nag iisang prinsesa ng buhay ko"sabi niya saka napangiti.
Hindi ko naman alam yung irereact ko kaya napatitig na lang ako sakanya dahil hindi ko na talaga maintindihan tong puso ko sa bilis ng tibok. Waaahh
Ngumiti Pa siya saglit saken saka sinarado yung Pinto at umikot saka sumakay sa may drivers seat.
Inistart na niya yung engine ng kotse at nagpunta na kami sa simbahan. Habang nasa daan nakatingin lang ako sa labas dahil hindi Pa rin humuhupa yung pag iinit ng pisngi ko.
Waaahh. Vanna. Calm down. Woo
Kumakanta naman siya habang nagmamaneho habang ako tahimik lang.
Ugh. Bat ba ang saya niya ata? Eh kanina reklamo lang siya ng reklamo eh. Nababaliw na siguro siya.
Di ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa simbahan. Pinark niya muna yung kotse niya saka kami pumasok sa loob. Pumwesto kami sa may likod saka ako pumwesto para magdasal.
Nagdadasal ako nang maramdaman Kong nilalaro niya yung buhok ko.
Ughh. Ano na naman bang trip niya? Tss
Di ko na lang siya pinansin hanggang sa matapos akong magdasal. Papalabas na kami sa simbahan nang mapansin Kong nakasimangot lang siya.
"Tanong nangyari sa mukha mo? Bat parang lukot na lukot?"tanong ko sakanya.
"Eh kasi naman. Yung lalaki na malapit sa inuupuan naten kanina Pa tingin ng tingin sayo. Hinawak hawakan ko na nga buhok mo para malaman niyang taken ka na pero di Pa rin papigil. Dukutin ko mata non eh"sabi niya na ikinatawa ko.
Bat ba siya ganito? Bat ang sweet niya saken?
"Bat di mo puntahan ngayon? Sige na dukutin mo na mata non.hahaha"sabi ko naman habang natatawa Pa rin.
Mas lalo siyang napasimangot.
Wahh. Ang cute. Nahihypnotized tuloy ako ng pisngi niya at gusto Kong kurutin.
Ughhh. Di ko na talaga kaya Pa kaya nilapitan ko siya. Nagtataka naman siyang nakatingin saken hanggang sa..
"Araaaayyy. Waaahh. M-mhishis kho. M-mashaket."daing niya habang pisil pisil ko yung pisngi niya.
Binitawan ko naman agad saka tinignan. Namula kasi.
Waahhh. Wala na yung gwapo niyang mukha. Huhu
"Hallaa. Sorry. Ang cute kasi"sabi ko saka hinihimas him as yung pisngi niya.
May mga Tao namang nanonood lang samen at kinikilig.
"Ganyan na ganyan din tayo nung araw mahal"
"Oo nga mahal. Nakakatuwa naman sila"sabi nung dalawang mag asawa na nanonood samen habang kinikilig.
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya hinatak ko agad si Trevor papunta sa kotse.
"Misis ko naman. Makahatak ka wagas. Ayaw mo ba nun? Instant artista tayo dun. Gwapo kasi ng Asawa mo. Hahaha"sabi ni Trevor habang tumatawa tawa.
Ugh. Nagyayabang na naman siya.
Di ko na lang siya pinansin hanggang sa magstart siyang magdrive.
"Punta tayong supermarket"sabi ko sakanya.
Tumango naman siya.
Ilang minuto lang nakarating na din kami sa supermarket. Pinark na niya yung sasakyan at lumabas na kami saka pumasok.
Kumuha naman siya ng paglagyanan na De tulak.
Namimili lang ako ng mga kailangan sa bahay habang siya kumukuha ng drinks at chips. Nilapitan ko naman siya saka binatukan.
"Aray ko naman misis ko. Huhuhu. Lagi na lang akong bugbog sarado sayo. Kawawa naman ang gwapo Kong mukha."reklamo niya saka nagpunas ng luha kunware.
"Drinks at chips ba ang pinunta naten dito?"mataray na tanong ko.
"Ito na. Babalik ko na po"sabi naman niya.
Binalik naman niya yun isa isa habang bumubulong bulong.
Natatawa na lang ako kasi kahit ganito trato ko sakanya hindi niya ako pinagbubuhatan ng kamay.
Sana hindi siya magbago sa pakikitungo saken. At sana hindi ako mainlove sakanya.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon