Kabanata 9 : Ang Pagbabago

12.9K 295 12
                                    

EVA

"'NAK, OH WOW. ANG AGA MO HA? NAKALUTO KA NA RIN TSAKA BIHIS NA FOR SCHOOL. GANYAN KA KA-INSPIRE? PATIRAHIN NA LANG KAYA NATIN SI AMOR DITO PARA LAGI KANG GANYAN," amused na wika ni Mama Fe.

Oo, maaga akong nagising. Nagluto ng almusal. Naligo at nagbihis for school. At ngayon nga'y kumakain na. Ganun ako ka-inspired!

"Oooh... Magandang idea yan, Ma. Kailan sya lilipat, Ma?" Naki-ride on na lang din ako.

Tumawa ito at lumapit na sa dining table. Nakapambahay pa ito.

"Wala kang pasok, Ma?" tanong ko nang mapansing hindi ito nagmamadali.

Nilunok muna nito ang kinakain bago nagsalita. "Sasamahan ko ang Uncle Jared mo para mapabilis ang approval ng pag-join ng Serenity sa peace treaty, 'nak. Deserving rin naman ang mga kalahi mo na mapabilang sa mapayapang kasunduan ng supernaturals." Ahh, kaya pala. Ang bait naman ni mudra.

"Nagkausap pala kami ng Ama mo kagabi," dagdag pa nito.

May twist din ang phone ni Mama. Actually, magagamit yung mga mobile phones namin sa kahit anong dimension basta exclusive lang din sa supernaturals then switch click lang para maging normal phone. I believe, same lang din ang phones ng mga Manuel.

"Mabuti na lang daw nakauwi sya on time at na-chant ang spell na tinuro ko sa kanya. Nasa mabuti na silang kalagayan, Ev." Masaya ako sa narinig. Si mama pala ang may gawa kung bakit na-save ang Serenity.

"Thank you, Ma. Kahit ayaw na ayaw mo sa Serenity, tinutulungan mo pa rin kami to preserve the Kingdom." Lumapit ako dito at niyakap sya mula sa likod nito.

"Nak, basta para sa'yo lahat kaya kong ibigay. Kaya kong gawin. Soon, when you turn 18, ikaw na ang magru-rule sa Serenity kaya naman hanggang sa nabubuhay pa ako, proprotekhan ko ang lahat ng mahalaga sa'yo.  At alam kong mahalaga sayo ang Serenity. Kaya tutulungan kita, whatever it takes," sabi ni mama, rubbing my arms gently na naka-hug pa rin sa kanya.

Awww, ang sweet ni Mama. Parang na-feel kong may bumara sa lalamunan ko, feeling ko maiiyak na naman ako kaya before pa magkadramahan, nagpaalam na ako kay Mama.

"Be a good girl, ha. Wag mong sasaktan si Amor," paalala nito na may pagbabanta sa tono.

"Ma? Ako ang anak mo, remember?" Galit-galitan ko. Aba mas kakampihan pa pala ni mama si Amor kumpara sa akin pag nagkataon. Ang charming talaga ng mahal ko. Nakuha nya agad loob ni Mama. Napangiti na lang ako sa naisip.

"Anak, nakakahiya kay Jared. Kaya wag mong sasaktan si Amor ha," nakangiting sabi nito.

"Asussss. Yun naman pala." Tumawa ako ng mahina. "Sige, Ma. Bye na." Humalik ako sa pisngi nya at umalis na.

"Mag-iingat ka ha. Love you, 'nak!" pahabol na sigaw nito.

"Opo! Love you, too!" sigaw ko rin at tuluyan ng lumabas ng bahay.

+++

"HI, BABY," BUNGAD NG ISANG PAMILYAR NA PIGURA NA PINULUPUTAN AGAD AKO NG PARANG AHAS. Kababa ko palang ng kotse'y sumulpot na agad ito.

"A-amber, sandali," sabi ko namang pilit na kumakalas dito. Oh God, kapag nakita ako ni Amor, patay ako.

"Baby, naman. Give me a kiss. Na-miss kita. Hindi kita nakita kahapon. Parang iniiwasan mo talaga ako," sabi pa nitong nag-pouty lips. Cute naman sya pero pag nakita ako ni Amor, grr, pahamak ang babaeng 'to. Dispatsahin agad-agad! Saan na ba mga mokong na yun?

"Amber, please, wala naman akong obligasyon sa'yo. Tsaka may girlfriend na ako. Kaya please baka kung ano pang isipin nya at makita akong nasa ganitong posisyon," pagmamakaawa ko sa kanya pero naka pulupot pa rin ang mga kamay nito sa leeg ko.

Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon